Chapter 41: You're mine.

2.6K 45 7
                                    

Chapter 41

Katulad ng sinabi niya kanina. Pumunta muna kami sa gym para magpakita sa coach niya. Pagkatapos non ay dumiretso agad kami sa COE. Nasa tapat palang kami ng CIT ay nakita agad namin sina Annika sa lobby ng COE.

“Dito nalang kita hihintayin, Royce.” Sabi ko kay Royce. Tumigil agad siya sa paglalakad bago humarap sa’kin. Nakakunot ang noo niya.

“Bakit? Pwede namang—”

“Dito nalang ako. Sige na.” Umupo ako sa bench sa tapat ng CIT.

Pinilit niya pa kong sumama sa kanya pero hindi ako pumayag. Nang mapansin niya sigurong hindi na talaga ako mapipilit, naglakad na siya papunta kay na Annika. Nang makita siya ng grupo nina Annika, narinig ko agad ang tilian ng mga kasama niya. Medyo tinutulak pa nila ang namumulang si Annika.

Nang makalapit si Royce sa kanila, hinahanap agad ni Annika yung activity sa bag niya. Inabot niya agad kay Royce yon. Akala ko ay dun na matatapos. Pero kinausap pa nila si Royce. Maya-maya nawala na ang ngiti ni Annika. Tumalikod si Royce bago lumapit ulit sa’kin. Nakita ko ang pagsunod ng tingin sa’kin ni Annika. Halos malaglag ang panga niya nang makita ako. Tinitigan niya kong mabuti, nakita ko ang galit sa mga mata niya.

“Let’s go, babe.” Mabilis niya kong hinila palayo don. Great. Just great. May galit na naman sa’kin. “What’s wrong, Hailey?”

“Wala…”

Hindi niya ko tinigilan hanggang sa makarating kami sa UMall. Panay ang sulyap sa kanya ng mga estudyante. Kahit taga ibang campus, napapatingin din sa kanya.

Umupo ka muna dito.” Sapilitan niya kong pinaupo sa isa sa mga table sa UMall. “Mainit na naman ang ulo mo. Wait here.”

Hinayaan ko siyang umalis. Sumimangot ako nung makitang pinagtitinginan ulit siya ng mga estudyante. “Hi, Miss.”

Naagaw ang pansin ko ng lalaking tumabi sa’kin. Napalayo ako nang makitang sobrang lapit niya sa’kin. Hindi ko siya kilala. At sigurado akong hindi siya dito pumapasok.

“Mag-isa ka?”

“No…” Lumayo pa ko lalo. Nasundan ko ang bawat galaw niya. Halatang gustong mapalapit sa’kin. “Kasama ko ang boyfriend ko…”

“Oh…” Tumango tango siya. “So, boyfriend mo pala si dela Cruz?”

“Yes. Sino ka?”

Ricky. From West Campus.” WCU. Damn. Kung hindi ako nagkakamali, yun ang kalaban nina Royce. Sila yung nanakit sa mga players ng COE. “Magaling pumili ah?”

Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Hindi ko nagustuhan yon. Tumayo agad ako pero nahuli niya ang kamay ko. Nagpumiglas ako. Kapag hindi siya tumigil, masasampal ko talaga ‘to!

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon