Chapter 38: Yes.

2.6K 49 14
                                    

Chapter 38

“If it’s too much, please tell me… I’ll stop.” Dahan-dahan akong tumango. Diretso akong tumingin sa kanya. Nakita kong nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya o hindi. Madiin siyang pumikit. “I don’t want to hurt you but you need to know this…”

“I know. Kaya sabihin mo na sa’kin.” Hinawakan ko saglit ang kamay niya. Hanggang ngayon ay namumula pa rin yung kurot ko. Lalo yatang lumala yung pasa niya.

“Then don’t distract me…” Mahina niyang sabi. Napatingin agad ako sa kanya. Nakita kong nakatitig siya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Nag-init ang pisngi ko. Unti-unti siyang tumingin sa’kin. Unti-unting umangat ang gilid ng labi niya.

“H-hindi kita d-dinidistract…”

Lalayo na sana ako pero nahulaan niya yata ang balak kong gawin kaya mabilis niya kong napigilan.

“Oh, babe.” Hinalikan niya ang pisngi ko. Tapos ay tumawa siya. Sa sobrang gitla ko ay halos matulak ko siya paalis sa kama. Buti nalang at malakas niya. Napigilan niya na agad bago pa siya malaglag sa kama ko. “You can seduce me anytime, I won’t mind.”

“Hindi kita sine-seduce!”

“That’s why I’m upset. Do it now.” Lalapit na sana siya sa’kin kaya lang mabilis akong nagtatakbo papunta sa kabilang side ng kama. Kumuha ako ng isang stuff toy bago umambang ibabato sa kanya. Tumawa ulit siya ng malakas. Pinatahimik ko agad siya dahil baka magising sina lola.

Tinaas niya ang paa niya sa kama ko. Para siyang bata na nakaupo. Ang unan ko ay nasa mga hita niya. Unti-unti akong umupo sa sahig. Niyakap ko yung teddy bear na hawak ko. Tumitig siya sa kawalan. Hindi ko sigurado kung ano ang tinititigan niya.

“I was third year high school that time…” Kinabahan agad ako. Ito na. Sasabihin niya na sa’kin lahat. At handa akong pakinggan lahat ‘yon. “You were first year, of course.” Ngumiti siya pero maya-maya ay bumalik na naman sa pagiging seryoso. “Nasa library ako kasama ng mga kaibigan ko hindi para mag-aral…”

Tumigil siya sandali bago tumingin sa’kin. Tumango ako. Yes. Alam ko na kung ano yon. Nandon siya para maggirl-hunting. Kadalasan kasi ng mga estudyante sa’min, kapag break time ay nasa library. Kaya rin siguro natagalan ako bago siya sagutin ay dahil na rin alam ko kung anong ugali niya. Nakikita kong halos araw araw ay iba-iba ang kasama niyang babae.

Bumuntong hininga siya bago nag-iwas ulit ng tingin. Hindi ito ang oras para pagselosan ko sa isip ang mga babae niya. Malandi talaga siya. Wala na kong magagawa don.

“Hindi ko alam na iyon din ang araw na makikita ko ang babaeng magpapabago ng ugali ko. Ilang table lang ang layo sa’min. And for the first time, I forgot my way on how to catch girl’s attention. Ang nasa isip ko lang ay… yung mukha mo…” Kinagat ko ang labi ko. Ngumiti ulit siya bago umiling. “Yung seryoso mong mukha habang kinakausap ka ng ka-group mo. Yung pagkagat mo ng labi mo kapag nagpipigil ka ng tawa dahil baka mapagalitan kayo ng librarian. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan ka.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon