Chapter 27: After lunch.

2.8K 37 6
                                    

Hailey (left) and Dana (right) on multimedia.

Chapter 27

“S-since 9 AM pa naman ang usapan natin, m-maaga akong nagpunta sa m-mall nung Saturday. Bibili sana ako ng pagkain na pwedeng dalhin kay na Gina, dun ko s-siya nakita. Nung umuwi ako… dun sumama ang pakiramdam ko.” Hindi siya makatingin sa’kin ng diretso. Natatakot ba siya sa magiging reaksyon ko? “And the girl was crying…”

Tumango lang ako sa sinabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan. Niloloko lang ba ako ni Royce? Parang ang hirap paniwalaan pero nakita siya ni Dana sa mall kasama ang isang babae. Pero ang sinabi niya sa’kin ay nasa practice siya.

“Hey, Hailey…” Hinawakan niya ang kamay ko nung mapansin niyang hindi ako nakikinig sa kanya. “Hindi ko naman sinasadyang makita siya. Ayoko lang na magsinungaling sa’yo.”

“Ayos lang ako.” Pinilit kong ngumiti. “T-tara na?”

Balisa ako pagkarating sa cafeteria. Hindi rin ako nagtagal don. Mas pinili kong manatili sa library. May ilang oras pa ko para makapagbasa pero lipad pa rin ang utak ko.

Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko nang maramdaman kong mag-vibrate to. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nung makitang galing kay Royce ang text.

From: Royce

Where are you?

Hindi ako nagreply. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral. 15 minutes before 1, tsaka lang ako lumabas ng library. Kakaiba na naman ang puso ko nung makitang makakasalubong ko ang mga varsity players. Pinilit kong tumungo para hindi nila mapansin pero wala itong nagawa.

“Ms. Hailey!” Narinig ko ang super familiar na boses. Napatingin ako sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nung makitang wala si Royce.

“H-hi…” Lumapit siya sa’kin bago tumingin sa paligid. Rodel. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang pangalan niya.

“Mag-isa ka lang?” Tanong niya. Tumango lang ako. “Hinahanap ka nga pala ni dela Cruz kanina pa. Mukhang hindi nakakahinga kapag hindi ka nakikita eh.”

“Uhh… na’san siya?” Tumingin muna ako sa mga kasama niya bago sa kanya ulit. Mukhang hindi naman big deal sa kanila na kausapin ako ni Rodel.

“Alam ko pupuntahan ka sa COM. Ah, wait! Itetext ko.”

Hindi ko alam kung pa’no siya pipigilan pero mas mabuti na rin siguro ‘to. Hindi muna ako magpapakita hangga’t hindi natatapos ang exam ko para sa araw na ‘to

“Oh, papunta na daw siya dito.” Tumango lang ako sa kanya. Shit. Bakit ko nga ba siya iiwasan? Hindi naman sa nagdududa ako. Baka naman kasi kamukha lang ni Royce ang nakita ni Dana.

“Ahm…” tumingin agad ako sa relo ko. Konting minuto nalang mag-sstart na ang examination. “Pakisabi nalang nagmamadali ako, may exam pa ‘ko. Sige!”

“Pero, Ms. Hailey, papunta na siya dito!”

Umikot ako sa left side ng library para maiwasang makasalubong si Royce. Wala akong pakialam kung mas malayo ang lalakarin ko, importante, hindi ko siya makita muna.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon