Chapter 56: Who's this?

1.7K 37 10
                                    

Chapter 56

Nakatulala lang ako sa kanya nang tapikin ako sa braso ni Ms. Sarah.

“Back to work na, Hailey. Mamaya dadami na ang customer.”

“P-pwede ko po bang kausapin…” Kumunot ang noo niya bago umiling sa’kin. “Mamaya nalang, okay? Hindi naman kita pagbabawalan pero makakaabala kasi sa trabaho natin. Hayaan mo, pag um-order ulit siya ikaw na kumuha. Mapapansin ka agad niyan dahil maganda ka naman.”

Mabilis akong tumango. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Royce. Pero sa iba na dumapo ang tingin ko. Sa babaeng katabi niya na halos idikit na ang mukha sa braso ni Royce.

Dana.

Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagsikip ulit ng dibdib ko. Tinakpan ko ang bibig ko bago dumiretso sa kusina. Hindi ko pinansin ang mga nagtatakang tingin ng mga kasamahan ko.

“Wala, Hailey. Wala pa kong balita kung nakabalik na siya. Pero kapag nakita ko siya, ibibigay ko agad ang letter mo.”

“W-Wala akong balita sa kanya. Hindi ko na rin siya nakita kahit nang maka-graduate ako, best.”

Yan lang ang narinig kong laging sinasabi niya pero kasalungat iyon ng nakita ko kanina. Muli akong sumilip sa window sa pagitan ng kitchen at counter. Kitang kita ko sila mula rito. Bumagsak ang luha ko nang makitang hinawakan ni Dana ang pisngi ni Royce. Nakita ko rin ang pagtingin ni Royce na lalong nagpadurog sa puso ko.

“Royce…” Napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung gaano katagal ako sa ganoong posisyon, pagtayo ko, nakita kong wala na sila doon. Hindi ko pa alam kung kaya kong magtrabaho. Pero hindi ko dapat dalhin dito ang mga ganong bagay. Iba ang trabaho sa personal kong buhay.

Café latte sa Table 7, Hailey.” Ngumiti si Ate Mikay sa’kin. Ngumiti ako bago sinerve yung order ng customer namin. Buong maghapon iba ang pakiramdam ko. Pinilit kong ngumiti sa mga customer namin kahit na ang sakit sakit pa rin.

Nagpaloko na naman ba ako? Naging tanga na naman ba ako sa mga naging desisyon ko? Masama bang muling magtiwala? Wala akong ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko.

May mga nabubuong eksena sa isip ko na posibleng nangyari habang nasa probinsya ako pero dapat ko munang patunayan yon. Pero kung sakaling tama ako… may magagawa pa ba ako? Hindi ko kayang mawala sa’kin si Royce. Tama na ang tatlong taong naghiwalay kami. Kailangan kong magpakatatag para sa relasyon naming ‘to.

“See you tomorrow, Hailey!”

“Sige po. Ingat po kayo.” Kumaway ako sa kanila na hindi pa naga-out. Sabay kaming naglalakad ni Paulyn papunta sa sakayan.

“Okay ka lang, Hailey?” Tanong sa’kin ni Paulyn habang naghihintay ng masasakyan. Tumango ako bilang sagot. Ngumiti siya bago umiling. “Kahit ngayon palang tayo nagkakasama, alam kong may problema ka. Nakikita kong hindi naman naapektuhan ang trabaho mo pero nandito pa rin naman kami kapag hindi mo na kaya. Pwede ka nang magshare sa’kin.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon