Chapter 3: Gym

3.6K 55 14
                                    

Chapter 3 (Gym)

“Hoy, bakit ayaw niyong sumagot? Wag kayong ganyan. Suportahan niyo nalang ako sa crush ko!”

“O-oo naman, N-Nami. Baka sumama lang yung pakiramdam ni Hailey…”

Nagmulat ako ng mata. Tumingin ako kay Nami na mukhang nagtataka sa’kin. Ngumiti ako sa kanya. Act normal. Act like you heard nothing.

“B-Baka hindi ako makasama—”

“Hailey naman eh.” Pinaipod niya ng kaunti si Dana para makaupo sa tabi ko. Inakbayan niya ko. Nag-pout siya. “Hindi mo pa nakikita si Royce, di ba? Tsaka wala ka namang lagnat oh.” Hinawakan niya ang leeg ko tapos binalik sa pagkakaakbay sa’kin. “Hindi naman ako madamot, baka maging crush mo si Royce. Okay lang sa’kin kahit maghati tayo. Simula nung first year hindi pa kita nakikitang may kasamang lalaki o natitipuhan man lang. Baka ito na yon!”

“Wala akong time sa ganyang bagay, Nami. Alam mo namang focus ako sa studies.”

“Pero minsan kelangan mo ring mag-enjoy.”

Ngumiti siya sa’kin. Tumango nalang ako. Tumayo siya at nagtatalon. Bumalik siya kay na Jasmine. Nagbaba ako ng tingin. Sinarado ko ang librong hawak hawak ko at binalik sa bag ko. Napatingin ako kay Dana. Diretso rin siyang nakatingin sa’kin habang naka-closed fist.

“I’m fine, Dana. Matagal na yon. Hindi ko lang in-expect na siya talaga yon. I mean, hindi naman imposible eh.” Ngumiti ako sa kanya at bahagyang tinapik ang balikat niya.

“Pwede ko namang kausapin si Nami na ako nalang ang sasama sa kanya.”

"Pumayag na ko kay Nami. Magtataka yun kapag hindi ako nakasama." Huminga ako ng malalim.

"Hailey..."

Tumingin nalang ako sa dollshoes ko. Kilalang kilala talaga ako ni Dana. Childhood friends kami. Bago mamatay ang parents ko siya na ang tumatayong bestfriend ko. Hanggang sa nawalan na ko ng parents, hindi niya ko iniwan. Kahit kailan hindi ko ipagpapalit ang friendship namin. Kahit alam kong nakasakit ako.

"Okay. Pero pag nagbago ang desisyon mo, sabihin mo agad sa'kin. Ako na kakausap kay Nami." Nagbabaka sakali pa rin siya.

"Alright. Thank you, Dana."

"Ikaw pa. Bestfriend yata kita."

11 am na ng pumunta kami sa University cafeteria. Humanap agad kami ng available chair. Umupo kami malapit sa may entrance ng cafeteria. Binaba ko ang gamit ko bago pumila para bumili ng pagkain.

Hindi ko alam kung bakit wala akong ganang kumain. Clubhouse sandwich at gatorade lang ang binili ko. Bumalik agad ako sa table namin. Hinintay ko sina Dana na maka-order bago ako magsimulang kumain. Naka-rice sila.

"Bakit hindi ka nagheavy meal, Hailey?" Tanong ni Gina. Sanay kasi siya na kapag lunch, naka-rice din ako.

"Busog pa ko eh. Kumain kasi ako bago umalis ng bahay."

Tumango tango lang siya. Kumain na sila. Halos hindi ko rin naubos ang binili ko. Sumimangot sa'kin si Dana. Mukhang alam na niya kung bakit ganito ako ngayon.

"Kumain ka pa, Hailey. Ang payat payat mo na oh!" Hinampas ni Dana yung table.

"Ang sexy kaya ni Hailey!" Sabi ni Nami na nagpangiti sa'kin. Minsan talaga honest tong babaeng to. Tss.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon