Chapter 21: Sweet

2.8K 48 13
                                    

Chapter 21

Nagmadali ako sa paglalakad papunta ng cafeteria. Hindi na niya ko nasundan dahil alam kong nagitla siya sa sudden outburst ko. Who wouldn't? I'm so upset.

"Hailey..." Umupo agad ako sa nireserve nilang upuan para sa'kin. Mukhang um-order na ng pagkain para sa'kin si Dana. Kinuha ko agad yon at kinain. Hindi ko magawang tumingin sa kanila. Gusto ko lang ilabas lahat ng frustrations ko. Gusto kong gumaan ang loob ko. "Anyare sa'yo? Dahan dahan sa pagkain. Baka mabulunan ka."

Kumuha ako ng tubig at ini-straight yon. Bago pinagpatuloy ulit ang pagkain ko. Alam kong tulala na sila sa'kin. Bakit nga ba hindi? Ang paalam ko sa kanila magccr ako pero pagbalik ko, sobra sobrang pagkain ang kinuha ko.

"I'm full. Punta na ko sa room. Maya ko nalang bayaran sa room 'tong pagkain kung sino man ang um-order. Salamat."

Tumayo ako bago nagdiretso sa COM. Pinilit kong hindi umiyak. Nagawa ko naman yon pero hanggang kelan? Pag binati niya ba ko, papansinin ko na siya agad? No way. No freaking way. Matapos niyang kalimutan kung anong meron ngayon?! Hindi na siguro importante sa kanya 'yon. Buti pa yung coach nila, naalala niyang birthday ngayon. Peste.

"Anong nangyayari sa'yo, birthday girl?" Tumabi sa'kin si Nami. "Ako yung umorder ng pagkain mo kaya sa'kin ka magbabayad. Hindi porket birthday mo eh malilibre kana."

Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Nanlaki ang mata ni Nami.

"Joke lang yon! Syempre libre na yon! Ano bang problema mo? Ayos ka naman kanina ah? May nang-away ba sa'yo sa cr? Sabihin mo lang."

"Wala..." Sabi ko sa mababang boses.

"Eh bakit malungkot ka? Si fafa Royce ba? Hindi ka binati no?"

Parang bata akong tumingin sa kanya. Nanlaki ulit ang mga mata niya. Mukhang hindi makapaniwalang tumpak ang hula niya.

"Baka naman nakalimutan niya lang. O kaya hindi niya lang alam na birthday mo."

"Pa'nong hindi niya malalaman eh sinagot ko siya dati nung birthday ko."

"H-ha?" Napahawak siya sa bibig niya. "Oh my! Ex mo si Royce?!"

Napapikit ako. Sht. Hindi ko kasi iniisip kung anong sasabihin ko. Argh!

"Kaya pala unang pagkikita niyo pa lang... iba na yung tingin sa'yo ni Royce. Yun pala may past kayo! Bakit hindi ka nagkukwento?"

"Past na yon."

"Eh yun naman pala eh. Past na. Baka nakalimutan niya lang. Gusto mo kausapin ko tapos sabihin kong birthday mo?"

"Shh. Wag kang magulo, Nami."

“Why? At least magkakaroon ako ng chance na makausap siya.” Tumawa siya ng malakas with matching hampas pa sa braso ko. Sumimangot ako sa kanya.

Wala na kong pakialam kung makalimutan niya na birthday ko. Hindi na naman ako mahalaga sa kanya kaya hindi niya na matatandaan talaga ang birthday ko.

Tatandaan ko ang araw na ‘to. For the first time, nakalimutan niya ang birthday ko. At mismong araw pa kung kelan ko siya sinagot.

Nagklase lang kami ng hapon. Umabot na ng 5 pm, tapos na ang klase namin. Excited ang mga kaklase ko na pumunta sa bahay. Syempre, pag kainan, mangunguna na agad.

“Hailey!” Kinikilig na tawag ng kaklase ko. Pumasok siya ng room namin na parang excited. Hindi pa kasi ako nakakalabas dahil hinihintay ko pa sina Dana.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon