Chapter 40: Plan

2.6K 34 4
                                    

2nd update. =)

Chapter 40

Nakaramdam agad ako ng sakit ng ulo habang bumabangon ako sa kama ko. Pakiramdam ko ang kulang pa rin ang tulog ko. Pagtingin ko sa wall clock ay 12 PM na. Matagal din pala akong nakatulog.

Hinanap agad ng mata ko si Royce. Iisipin ko na sana na umalis na siya pero nakita ko ang phone niya sa side table. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Nakita kong natutulog siya sa sofa sa living room. Napangiti agad ako.

Bumalik ulit ako sa kwarto ko. Nag-ayos muna ako ng sarili ko. Pinupunasan ko ang mukha ko nang mapansin na umiilaw ang phone ni Royce. Dali-dali akong lumapit don. Nakita kong may message siya galing kay Annika. Damn it, Hailey. Text lang yan. Bakit ka nagpapanic? Hindi pa ba sapat ang pagtatapat sa’yo ng undying love ni Royce? Argh!

Hindi ko pinakialaman ang phone niya. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Gumawa nalang ako ng pancake. Siguro kakamustahin lang ni Annika si Royce. Syempre concerned siya kay Royce kasi may gusto siya kay Royce. Pinilig ko agad ang ulo ko. Ano ba ‘tong iniisip ko?

“Kagigising mo lang, hija?” Gulat na napatingin ako kay lola. Natawa siya sa reaksyon ko. “Nagulat ba kita?”

Umiling ako kahit nahuli na niya ko.

“Dumaan dito si Dana kanina.”

“A-ano pong sabi?” Naalala ko si Royce. “Nakita niya po si Royce?”

“Hindi siya pumasok dito sa loob kahit na sinabi kong puntahan ka nalang niya sa taas. Sabihin ko nalang daw sa’yo yung lakad mo bukas kasama ang kuya niya.” Tinitigan ako ni lola. “ Nanliligaw ba sa’yo ang kapatid niya?”

“H-hindi po, La.”

“Mabuti naman. May boyfriend ka na. Baka magkagulo pa ang dalawa.”

“O-okay lang po ba sa inyo si Royce?”

Ngumiti si lola sa’kin bago ako tinabihan. Hinawakan niya ang balikat ko. “Ayos lang sa’kin kahit sino, Hailey. Basta mahal ka at mahal mo rin. Hindi naman ako magiging kontrabida sa inyo. Gusto ko lang masaya ka. Hindi rin naman kokontra ang lolo mo. Kinausap siya ni Royce nung una pa lang. Dahil don, napatunayan kong mahal na mahal ka ni Royce.”

Ngumiti ako bago niyakap ng mahigpit si lola. Tapos pinagpatuloy ang paggawa ng pancake.

“Maggo-grocery muna ako, Hailey…”

“Samahan ko na kayo, La.”

“Wag na, hija. Kumain muna kayo ni Royce. At isa pa, tulog pa ang bisita mo.” Ngumisi ng nakakaloko si lola. Napailing nalang ako.

“Una na ko sa inyo.” Tumango ako bago hinatid si Lola sa pinto.

Bumalik ako sa kusina. Gumawa na rin ako ng chocolate drink. Naglalagay nalang ako ng chocolate syrup sa pancake nang magising si Royce. Nakasandal siya sa wall habang tinititigan ako. Nakaangat ang gilid ng labi niya. Parang tuwang tuwa sa nakikita niya.

“Kumain ka na…” Sabi ko habang inaayos yung plate. Umupo naman agad siya. Malaki ang ngisi niya habang pinagsisilbihan ko siya.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon