Chapter 13: Cafeteria

3.1K 48 6
                                    

2ND UPDATE! :D

Chapter 13 (Cafeteria)

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school kahit 10 pa ang klase ko. Nandito ako sa bleachers malapit sa Gate 1 para hintayin nalang dumaan ang mga kaklase ko. Nilabas ko yung libro ko. Torment. Nabasa ko na kasi yung first part.

Hindi ko namamalayan kung anong oras na. Bigla nalang may tumabi sa’kin at ginulat ako. Tinignan ko ng masama ang bestfriend ko.

“Masyado ka namang serious, Hailey! Hindi mo na namalayan na nandito ako sa tabi mo!” Ngumiti siya sa’kin bago binaling ang tingin sa cellphone niya. Nag-umpisa na naman ang pangiti-ngiti niya habang nagbabasa. Napailing nalang ako.

“Para kang baliw, Dana.”

“Shh!”

Tinignan ko muna ang relo ko bago pinagpatuloy ang pagbabasa. 9:15 palang. May oras pa para makapagbasa.

“Oh, geez! Hailey! Hailey!” Inuga uga niya ko at nung hindi pa siya nasiyahan, hinampas niya pa ang kamay ko.

“Ano ba, Dana Antonia!?”

“Kinikilig ako!”

Sinarado ko ang libro ko bago dali-daling nilagay sa bag ko. Tumayo ako don at iniwan siyang takang-taka.

“Where are you going, Skyla Hailey?”

“Away from you, Dana Antonia!”

Nakita kong tumayo na rin siya kaya dali-dali akong tumakbo. Mabilis kong nilagpasan ang mga taong estudyante sa pathway. Narinig ko pa ang tawag ni Dana pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng Administration Office. Nahawakan na rin ako ni Dana sa kamay.

Pinagod mo kong babae ka!” Hinampas niya ulit ang kamay ko. Natawa nalang ako sa kanya. Matagal na rin na pahanon na hindi ako nakakatakbo ng ganito. Nung second year pa kasi ang last P.E ko. Thank God for that.

“Wala kang magawang matino, Skyla Hailey.”

“Stop calling my full name!”

“So masungit, tara na nga.”

Hinila niya ko papunta ng COE. Dahil wala ng tao sa room namin, pumasok agad kami kahit maaga pa. Nagsimula nang magdiscuss si Ma’am ng lesson. Nakikinig naman ako pero minsan hindi ko maiwasang hindi tumunganga. Ang dami dami pa ring pumapasok sa isip ko. Yung mga bagay na hindi ko na dapat isipin, pinagugulo lang ang utak ko.

“Hailey, may sakit ka ba? Bakit wala ka yatang gana?” Tanong ni Gina sa’kin pagkatapos ng klase. Umiling lang ako sa kanya. “Parehas kayong broken ni Nami.”

Napatingin agad ako kay Nami. Nakapout siya habang nakaupo pa rin sa upuan niya at hindi pa rin naiingli.

“Hindi pa rin ba siya tinetext ni R-Royce?” Tanong ko kay Gina. Umiling siya.

“Hindi na siya umaaasa don. Mukhang may girlfriend na si Royce eh.” Nagulat ako sa sinabi niya. Napatitig ako sa mukha niya. Nung nakita niyang gusto kong magtanong ay nagsalita agad siya. “Magkasabay pumasok si Annika at Royce kanina sa Gate 1. Nakita namin yon ni Nami dahil parehas kaming nasa bleachers. Mukhang sila na eh. Sa kabilang room lang sila, nung tinignan ni Nami, magkatabi sila sa upuan. What do you think?”

Hindi ako makaisip ng matino. They are dating? Parang lalong bumigat ang dibdib ko.

“Hailey! Let’s go!” Tumango ako kay Dana. Pinilig ko ang ulo ko para hindi na isipin ang sinabi ni Gina. Yun naman ang gusto kong mangyari. Dapat hindi na ko makialam sa kung anong relasyon meron siya sa ibang tao. Dapat iniiwasan ko nalang siya.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon