Chapter 6: Suitor

3.7K 57 6
                                    

Chapter 6 (Suitor)

Lumipas ang araw na tahimik lang ako. Alam kong napapansin din yon ng bestfriend ko. Sanay na siya na tahimik ako pero iba yung lagay ko ngayon. Kahit tinatanong niya ko, hindi ako sumasagot.

“Friday na bukas. Punta ako sa mall, Hailey. Wala pa kong gamit. Sama ka?”

4-day week kasi ang North Charleston University. Every Friday wala nang pasok ang mga estudyante.

“Sige.” Tutal wala rin naman akong gagawin bukas at tatambay lang ako sa bahay mas mabuti na sigurong maggala na ko. Wala pa rin akong gamit katulad ni Dana. Hindi na yata uso sa college student na bumili ka ng gamit bago mag-start ang klase.

“You sure you’re okay?” Tanong niya sa’kin habang nakapout ang lips. Kinurot ko ng mahina yung pisngi niya tapos ngumiti sa kanya.

“I’m fine, best. Kulang lang ako sa tulog.”

Tumango siya pero parang hindi pa rin naniniwala. Tumayo na ko at nagsimulang maglakad papunta sa gate 3.

“Best, daan tayo sa gym. May ibibigay lang ako kay kuya.” Sabi sa’kin ni Dana. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. “Ibibigay ko lang yung susi sa bahay, sa inyo muna ako. Hintayin mo nalang ako sa labas ng gym.”

“Okay.”

Nauna na kaming umalis kay na Gina. Sabi niya may gagawin pa daw sila. Baka magpunta rin sila sa mall bukas.

Nakarating agad kami sa gym. Hindi masyadong madami ang tao kaya nakapasok agad kami ni Dana.

“Hintayin mo nalang ako dito?” Tanong niya sa’kin.

Umiling ako bago sumagot. “Samahan na kita.”

Tuluyan na kaming pumasok sa gym. May ilang nagpa-practice na players at kasama na don si kuya Dino na naglalaro ng volleyball. Sinabi ni Dana na siya nalang ang lalapit kay kuya Dino kaya nagpaiwan na lang ako malapit sa entrance.

“Damn it!” Napatingin ako sa lalaking nagbabasketball malapit sa pwesto ko. DELA CRUZ. 7. Sinubukan niyang i-shoot ang bola pero hindi pumasok yon. Napamura ulit siya bago umupo sa bleachers at uminom ng Gatorade.

Nakita ko agad na may lumapit sa kanyang isang babae. Inabutan siya nito ng tubig. Kinuha niya lang ito at nilagay sa tabi. Pinatong niya ang mga siko niya sa kanyang hita at bahagyang yumuko.

Tumabi sa kanya ang babae at may sinabi. Hindi ko na narinig dahil medyo malayo ang pwesto nila sa’kin. Girlfriend niya ba yon? Nililigawan? Asawa? Tss. Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko pero parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at tumingin kay Dana na nakikipag-away na ngayon sa kapatid niya. Tinuro ako ni Dana kaya naagaw ko ang atensyon ni kuya Dino.

“Hailey!” Sa sobrang lakas ng pagkakatawag ni kuya Dino, lahat halos napatingin sa pwesto ko. Tumingin ako kay Royce. Diretso na siyang nakatingin sa’kin. Parang hindi niya naririnig yung sinasabi ng katabi niya. Umiwas ako ng tingin at lumapit kay kuya Dino at Dana.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon