Chapter 29: Selfish.

2.6K 34 10
                                    

Chapter 29

“Ahm, s-sabay ka na sa’min ni Royce, Dana.” Mas humigpit ang pagkakahawak ni Royce sa kamay ko. Bumaling siya sa’kin nang nakakunot ang noo. Gusto ko siyang sipain. Ayaw niya bang isama ang bestfriend ko.

“Ahh, h-hindi na. Sasabay nalang ako kay na Gina.” Sumulyap siya kay Royce bago tumingin ulit sa’kin. “S-sabihin ko nalang sa kanila na ihahatid ka ni R-Royce. Sige… ingat kayo ha?

Hindi na ‘ko nakapagsalita dahil nakaalis na siya sa harapan namin. Bigla akong hinila ni Royce papunta sa sasakyan niya. Kumaway nalang ako sa van nina Gina. Maya-maya ay nauna na sila.

“Sundan mo nalang yung dalawang van sa harapan.” Sabi ko kay Royce habang kinakabit ang seatbelt ko. “At bakit naman ganun ka kay Dana? Hindi naman sinasadya nung tao.”

“I don’t want someone else to hold my hand.” Seryoso niyang sabi bago nagdrive. So bawal ko ring hawakan ang kamay ko? Eh bakit niya hinawakan yung akin kanina? Oh my! Naramdaman ko agad ang pag-iinit ng pisngi ko.

‘Gusto niyang kamay ko lang ang hawakan niya?’ Pinilig ko agad ang ulo ko. Ano ba ‘tong iniisip ko?

Tahimik lang niyang sinundan yung van sa harap. Nang hindi ako makatiis, pinakialaman ko na yung iPod sa sasakyan niya. Tinignan ko ang huling kantang pinagtugtog niya. ‘Heavenly Beautiful’. Yun nalang ang pinlay ko. Napasulyap siya sa’kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ulit siya sa unahan pero nandun na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya.

“Anong nakakatawa?”

You look just like heaven when I saw you on the train today. I couldn't tell you nothing. Got a million words I wanna say. You were smiling at me. Sitting with another guy. And I can't stop comparing you to an angel in the sky~

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Habang nakikinig sa music ay nakangiti lang siyang parang tanga.

Cupids don't do this, put the arrow down and walk away. Don't make me look stupid. I say the things I was gonna say. I see you're taken. I see you got a man. So why am I falling? I don't understand, no. I wish I could hold your hand~

Pinigilan ko ang pagwawala ng puso ko nang maramdaman ko na naman ang kamay niya sa kamay ko. Hindi ko na yata kayang tumingin pa sa kanya. Tss.

‘You’re beautiful, you’re beautiful it’s true. I saw your face in the crowded place and I don’t know what to do. ‘cause I’d like to be with you.’

Lumipat na ng music sa playlist niya pero hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Kapag kasama ko si Royce, palagi nalang sigurong parang aatikihin ako sa puso. Tss.

“We’re here.” Nakaparada na yung dalawang van sa harapan ng bahay nina Kath. Nakababa na yung iba. Mabilis akong lumabas ng sasakyan ni Royce para makalayo agad ako sa kanya. Damn heart. Damn butterflies in my stomach.

Si Royce ang nagdala ng backpack ko. Nasa likod ko lang siya palagi. Hindi kasi pumapayag na humiwalay ako sa kanya.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon