Chapter 22: My way.

2.8K 51 12
                                    

Chapter 22

Cellphone ko agad ang inatupag ko pagkarating ko ng bahay. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Lahat ng sama ng loob ko buong maghapon ay nawala.

“Sinong katext, besh?” Tumataas taas ang kilay ni Dana. Pababa ako ng hagdan. “Si Kuya ba? Pupunta daw siya dito.”

“Sure!” Ngumiti ako sa kanya bago tumabi sa mga kaklase ko na kumakain na. “Kain pa kayo don.”

Nagkukwentuhan lang kami ng biglang dumating si kuya Dino. Binati niya ko bago inabot ang gift niya. Nag-thank you agad ako. Niyakag ko na rin siyang kumain. Narinig ko ang tilian ng mga kaklase ko. Nangunguna na ang bestfriend ko.

“Bagay na bagay!” Sabi ni Tom. Sumimangot ako sa kanya. Ayoko talagang bigyan nila ng meaning ang pagkakaibigan namin ni kuya Dino.

“Anong bagay na bagay? Gusto mo ng tadyak?” Tumayo si Nami. Pinigilan siya ng iba kong kaklaseng natatawa nalang. “May fafa Royce na si Hailey! Wag nga kayo!”

Nagpatuloy sila sa pag-aaway habang nasa living room. Hinila ko nalang si kuya Dino sa kusina para kumuha ng pagkain. Lalong lumakas ang tuksuhan nila.

“Tss. Pasensya ka na sa mga kaibigan ko Kuya Dino. Maiingay talaga ang mga yan.” Sabi ko sa kanya habang inaabutan ng plate.

“A-ayos lang…” Hindi pa siya kumuha ng pagkain. Napansin ko ang matagal na pagtitig niya sa’kin. Medyo awkward kaya nag-iwas ako ng tingin. “Yung… yung Royce ba na binabanggit nila ay yung Royce din na basketball player? Yung nakasama mo sa mall?”

Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko naman siguro kelangang i-explain yon. At wala namang talaga akong ieexplain don eh.

“Manliligaw mo ba yon?”

“Naku hindi, Kuya! Ahm…” hindi ko alam kung pa’no ko ipapakilala si Royce. Hindi ko siya kaibigan. Hindi ko rin naman siya boyfriend.

“Ahh… akala ko kasi boyfriend mo eh.” Nagsimula na siyang kumuha ng pagkain. Tumahimik nalang ako sa sulok. Buti nalang dumating na rin ang iba kong mga kaklase. Syempre sa kusina agad sila tumuloy. Binigay nila sa’kin ang mga gifts nila bago nagsimulang kumuha ng pagkain. Well, sanay na rin naman ako sa kanila eh.

“The best ka talaga magluto, Lola Gemma!” Niyakap yakap pa nila si lola. Napangiti nalang ako habang lihim silang kinukuhanan ng picture. Remembrance din ‘to. Maya maya, isa isa na nilang nilabas ang mga dala nilang camera. Picture dito, picture don. Lahat na halos ng ginagawa eh pinipicture-an.

“Teka! Yung lovers naman!” Hinila ako ni Dana palapit kay kuya Dino. “Smile!”

Wala na kong nagawa kundi ngumiti. Umupo na ko sa sofa ng makaramdam ako ng pagod. 8pm na pero parang hindi pa napapagod ‘tong mga kasama ko. Hindi natatapos ang kwentuhan. Hanggang sa magdesisyon na umuwi ang mga kaklase ko. Umabot pala kami ng 9:30 na hindi na namin namalayan.

“Uwi na kami, Hailey. May pasok pa nga pala bukas.” Niyakap nila ako. “Happy birthday ulit, Hailey!”

“Thank you sa pagpunta.” Hinatid ko sila sa labas ng bahay namin. Hindi na sila pumayag na lumabas pa ng gate. Sabi nila, kaya na naman nila.

Pumasok ulit ako sa loob ng bahay, nakita kong seryosong nag-uusap si Dana at ang kapatid niya.

“Ayos ka lang, best?” Tumabi ako sa kanya. Tumango siya sa’kin. Nag-iwas naman ng tingin si kuya Dino.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon