Chapter 50: Why?

1.8K 30 1
                                    

Chapter 50

Kinabukasan ay wala ako sa sarili. Hindi ko pinakita yon sa mga kaibigan ko. Hindi ko na gustong idamay sila sa nangyayari sa’kin.

“Surprise him! Bilhan mo nalang ng ring sabay sabing ‘Will You Marry Me?’” Sabi ni Gina.

“Yuck. Di ko boyfriend yon. Gusto ko ngang bigyan ng spider, para SURPRISE!” Pinag-uusapan nila ang nalalapit na birthday ni Levi.

“Boyfriend lang ba ang pwedeng bigyan ng regalo?” Taas kilay na tanong ni Gina.

“Whatever. Whatever. Daan nalang ako sa mall. Baka sakaling makakita ako. Bahala na.” Lalo siyang tinukso nina Gina.

Tinignan ko ang phone ko at hinintay ang text ni Harley. Hindi siya pumasok ngayon dahil sinasamahan niya si Lola sa pagbabantay kay Lolo. Ayoko rin sanang pumasok pero hindi ako pinayagan ni Lola.

“Earth to Ms. Hailey Bautista!” Hinampas nila yung table kaya medyo napatalon ako.

“S-sorry, may hinihintay lang ako na text…” Paumanhin ko. Tumaas ang kilay ni Nami.

“Anong hinihintay na text eh nasa likod mo lang ang boyfriend mo?”

“Duh, Nami!” Inirapan ni Gina si Nami. “Boyfriend lang ba ang pwedeng magtext kay Hailey?”

Hindi ko pinansin ang pag-aaway ulit nila. Napatingin ako sa likod ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Nakangiti siya habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Nandon din ang mga kaklase niyang babae. Nakita ko ang paglapit agad ni Annika sa kanya. Unti-unti silang lumalapit sa pwesto namin. Siguro ay hindi niya alam na nandon kami.

Lumagpas sila na hindi ako napapansin ni Royce. Sinundan ko lang siya ng tingin.

“Ay suplado si boyfriend. Nag-away kayo?” Tanong ni Nami.

“Kapag hindi napansin si Hailey, magkaaway agad?” Singit ni Gina. Hinampas na ni Nami si Gina. Umiling nalang ako sa kanila bago binaling ulit ang tingin sa papalayong si Royce.

Masyado nga akong maswerte na naging akin si Royce. Na ako ang mahal niya. Halos wala na kong mahihiling. Kahit na palagi kaming nag-aaway sa simpleng bagay hindi niya pinapatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Inamin na rin niya sa’kin na nagseselos siya sa pagiging malapit namin ni Levi. Nag-away kami dahil don pero agad siyang humingi ng sorry.

“Makakapit pa yung Annika na yon. Nanadya ba siya?! Nakita kong tumingin pa dito!” Sabi ni Nami. Nakita ko nga ang pagtingin na yon ni Annika pero hindi niya pinaalam kay Royce na nakita niya ko. Hindi naman kami close at isa pa, ayaw niya ko para kay Royce. “Alright, let’s do this.” Kumuha siya ng papel at ballpen bago nagsulat. “Operation: Kill The Bitch.”

“Ang mean, Nami.” Sabi ni Gina.

“Operation: Kalbuhin The Bitch.” Singit ni Dana.

“R.I.P English, Dana.”

“Okay, kill nalang.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon