Chapter 32: Bestfriend

2.8K 40 26
                                    

Play niyo yung kanta sa multimedia. Nakaka-in love! HAHAHAHAHAHAHA! :)

Chapter 32

“Hindi tayo magmi-meet next week. That means… may assignment kayo!” Nauwi sa baluktot ang mukha ng mga kaklase ko. Akala namin magiging masaya ang Intrams week. Yun pala puro assignment pa rin kami. Lahat ng subject namin, meron.

Pero kahit ganun pa man, masaya pa rin kaming lumabas ng room. Ibig sabihin, papasok lang kami next week para mag-attendance. 12PM yon. Okay lang kahit tanghali na kami papasok.

“Skyla Hailey!” Halos mapatalon ako sa pwesto ko nang narinig ko ang malakas na boses na ‘yon. Unti-unti akong tumingin sa kanya. There he is.

“Hailey nalang, Levi.”

Parang hindi niya ko narinig. Diretso lang siyang lumapit sa’kin. Napailing nalang ako nung kukunin niya ulit ang bag ko.

Ganito siya buong linggo. Hindi ko alam kung anong ginagawa sa kanya ni Royce dahil nauutusan niya ng ganito ang pinsan niya. Oh well, si Royce ang pinag-uusapan eh.

“C’mon, Skyla Hailey.” Ibang tingin ulit ang binigay ng mga kaibigan ko. Nakakapagtaka nga naman kasing bigla bigla nalang akong lalapitan ni Levi ng ganito.

Busy si Royce dahil University Games na next week. Dahil don, inutusan niya si Levi na maghatid sa’kin after class. Hindi ako pumapayag pero mapilit din si Levi. Siguro dahil natutuwa siyang sa wakas, nakilala na niya si ‘The Skyla Hailey’

“Tapatin mo nga ako, Hailey.” Bulong sa’kin ni Nami. “Tinigilan ka ayak ni Royce at ito namang classmate nating ang pumalit?”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nami. Umiling agad ako. Hindi ko akalain na bibigyan nila ng malisya ang ganito.

“Sus, deny pa. Eh anong meron sa inyo? Bakit hinahatid ka niya? Palagi pang tumatabi sa’yo sa klase? Hmm…”

“Dahil inutusan siya ni Royce—”

“Let’s go. May pupuntahan pa’ko.”

Sumimangot ako bago tumingin kay Levi na tamad na tamad na nakatingin sa’kin.

“Pwede namang umuna ka na, Levi. Hindi namang kelangan ihatid mo ko eh. Kaya ko namang umuwi mag-isa.”

“And what? My cousin will definitely beat me up.”

“Pwede kong kausapin si Royce.”

“Let’s go.”

Nanlaki ang mata ko nang hinigit niya ko palayo. Naiwang nakatulala ang mga kaibigan ko. Siguro ite-text ko nalang si Dana mamaya. Tss. Minsan nalang kami magkasabay umuwi dahil si Levi ang madalas ko nang makasabay, kung hindi naman ay siya yung laging sinusundo ng parents niya.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon