Chapter 39: Territorial

2.6K 43 7
                                    

Chapter 39

“Tell me, what are you thinking?” tanong ni Royce. I sighed. Bakit kahit gabi na, sobrang gwapo pa rin niRoyce? Halata na yung pagod sa mga mata niya pero hindi pa rin nababawasan ang dating niya.

“Nothing…” Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig ba niya sa sobrang hina.

Nasa kama ko pa rin kami. Magkaharap kami sa isa’t isa. Ang isang kamay niya ay nakapatong sa bewang ko. Nakatukod naman ang isa para makita ako ng mabuti. Ang kamay ko naman ay nasa ilalim lang ng unan ko.

“How about Dana?”

Nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman ko ulit ang pag-iinit ng mga mata ko. Ngumiti ako ng mapait bago pumikit.

“I-I don’t know…” Mabilis niya kong kinulong sa mga kamay niya. “Sinabi niya sa’king layuan kita…” Humigpit ang pagkakayakap niya. “Umamin siya sa’king gusto ka niya at nasasaktan siya kapag magkasama tayo. Ayokong masaktan si Dana kaya sinubukan ko pero hindi ko kayya. Palagi pa rin akong bumabalik sa’yo.”

“Yeah… because you belong to me. Only me.”

Mabilis akong umupo sa kama. Tinignan ko siya. Umayos siya ng higa bago nilagay ang kamay sa batok. Nakatingin pa rin siya sa’kin. Nang mapatingin siya sa labi ko ay tumayo agad ako. Binuksan ko ang pinto bago sinenyas na lumabas siya.

“What now, babe?” Tumalikod siya sa’kin. Binalot niya ang sarili niya ng kumot. Napairap ako. “Injured ako tapos palalabasin mo pa ko?”

“Napakaarte mo Royce!” Nilapitan ko siya. Tinanggal ko agad ang kumot ko sa kanya. Nakapikit siya ng madiin. “Get up now, Royce. Kapag nakita ka ni Lola pagagalitan ka non.”

Hindi siya gumalaw. Hindi ko alam kung gano katagal na ko nakatitig sa kanya. Narinig ko nalang malalalim niyang paghinga. Nakatulog na siya nang ganon? Umupo ako sa dulo ng kama bago tinitigan siya ng mabuti.

Nagulat ako nang mapatingin ako sa pinto ay nakatayo na ang kapatid ko don. Nakangiti siya tapos sumulyap sandali kay Royce.

“Ano na naman?” Tanong ko. Umiling siya bago sumandal sa pinto ko. Tinaasan ko siya ng kilay. “Alam mo na bang laging nandito si Kuya Royce? Kaya hindi ka nagitla nang makita siya kanina?”

“Stop being a detective, Thunder Hailey. Akala ko ba gusto mong maging songer?”

“What songer? Minamaliit mo ba ang voice skills ko?”

“What? Your voice kills?” Tumayo ako bago kinumutan ng maayos si Royce. Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Harley. Muntik ko nang madag-anan si Royce! “Matulog ka na nga, Thunder Harley!”

“Isusumbong kita kay Lola!”

“Isumbong mo. Paki ko?!” Tinulak ko naman siya palabas ng kwarto ko. Dahil halos masakop na ni Royce ang buong kama ko ay lumipat na ko sa sofa sa sala. Dahil alam kong pagod na pagod siya ay ayoko na siyang gisingin.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon