Chapter 63: Just say yes.

1.7K 46 10
                                    

Binabagalan ko mag-update dahil ayoko pa bitiwan si Dana. HAHAHAHAHAHAHA! De joke. Love you, guys! <3

Chapter 63

“Hailey, ayos ka lang ba?” Hindi ko alam kung pa’no ako nakarating sa loob ng coffee shop. Nandito kami sa sulok at halos walang customer. Hindi ko namalayan ang mga nangyari.

“A-ayos lang ako. Nahilo lang ako.” Hinawakan ni Ate Mikay ang noo ko.

“Nilalagnat ka. Ang mabuti pa ay magpahatid ka nalang kay Jayson. Mukhang may dala naman siyang sasakyan.”

“Oo nga, Hailey.” Inabutan ako ni Jayson ng tubig. “Ihahatid nalang kita sa inyo. Baka kung anong mangyari sa’yo sa daan. Mabuti nalang pala lumabas si Ate Mikay at nakita ka.”

Kinuha niya yung bag ko. Inalalayan din akong tumayo nina Ate Mikay pero halos hindi ako makagalaw. Lalong sumakit ang ulo ko. Dagdagan pa ng bigat ng nararamdaman ko.

“Nagriring yung phone mo, Hailey.” Sabi ni Jayson. Siya na rin ang kumuha non sa bag ko. “Si Sir Royce…”

Inabot niya yon sa’kin. Sinagot ko ang tawag ni Royce habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa wall.

“Hello, babe. Nakauwi ka na ba?” Halos mapangiti ako ng marinig ko ang boses niya.

“Hmm, hello.” Hindi ko napigilan ang pag-ubo.

“Hello, Hailey? Ayos ka lang ba?”

“Oo naman… medyo masama lang ang pakiramdam ko.”

“What?! Where are you now?”

“Sa coffee shop. Hindi ako nakaalis agad dahil bigla akong nag-collapse but I’m fine—”

“Ano?!” Halos ilayo ko ang phone sa tenga ko. “Kristina, resched the meeting.”

Nanlaki ang mata ko. Sinubukan kong pigilan siya pero binabaan niya ko ng phone. Napahilot nalang ako sa ulo ko. Hindi ko na dapat sinabi sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako sa pwesto ko. Nagising nalang ako nang may bumubuhat na sa’kin.

“Shh, sleep, babe. Alright? I’ll take you home…” Hindi na ko nakasagot dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Nilalamig ako at halos hindi ko na mamulat ng maayos ang mata ko.

Naramdaman kong pinasok niya ko sa loob ng sasakyan. Ang mga kamay niya ay nakayakap sa’kin.

“Royce…”

“Yes, babe?” Hinalikan niya ang ulo ko at lalo akong siniksik sa dibdib niya.

“Magpapakasal ka ba kay Dana?” Halos hindi ko na rin marinig ang sarili kong boses. Pero mukhang naintindihan iyon ni Royce.

“What? Pakasal? Kay Dana? Are you kidding me, Hailey? Saan mo naman napulot yan?”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon