Chapter 2: Dela Cruz

4.1K 50 12
                                    

Chapter 2 (Dela Cruz)

Minabuti kong wag nalang makinig sa usapan ng nasa kabilang table. Wala rin naman akong pakialam. Grabeng confidence huh. Pero dahil ako lang ang walang kausap sa'min, naaagaw nila ang atensyon ko.

"Sigurado na naman na pasok ka na sa try out eh. Magaling ka naman. Mas magaling lang ako." Nagtawan sila sa kabila. Napataas ang kilay ko. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya ha? Nakaka-offend pa nga eh.

Wala akong narinig na sumagot. Basta puno ng tawanan lang. Kumunot ang noo ko. Hindi ko talaga gusto ang mga taong mayayabang. As if naman na may madudulot na maganda yon sa kanila. They just need to shut up.

"Best!" Napabaling agad ako kay Dana ng tinawag niya ko. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Hindi ko ginagalaw yung pagkain mo. Sabihin mo lang, ako na kakain niyan."

"Nilibre na nga kita, aagawan mo pa ko ng pagkain." Nagsimula na kong kumain. Good thing tumahimik din sa kabila. Hindi ko alam kung umalis na sila o kumakain na rin sila. I don't effin' care.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Sina Dana halos hindi pa nangangalahati dahil busy sila sa pagkukwentuhan. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa comfort room. Tumango lang sila. Dala dala ko ang cellphone ko.

May iilang estudyante ng NCU ang nasa loob din ng cr. Mukha silang kinikilig. Halos kumunot ang noo ko. Bakit ang nakakasalamuha ko ngayon eh puro kinikilig?

Pumasok agad ako sa isang cubicle. Naririnig ko pang nagkukwentuhan sila sa labas.

"Pumasok nga sa cr ng boys!" Kasunod non ay isang kinikilig na tili. Pakiramdam ko mababasag ang eardrum ko sa tinis ng tili niya. Napairap ako. Tinapos ko agad ang ginagawa ko bago lumabas ng cubicle. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Maayos pa naman kaya naglakad na ko palabas. Naabutan ko pa yung mga babae na nakasilip sa pinto patingin sa cr ng mga boys.

"Excuse me." Sabi ko nang hindi nila napansin na may palabas ng cr. Tumabi agad sila pero paglabas ko, balik na naman sila sa pwesto nila. Tumingin ako sa tinitignan nila. Nakita ko ang isang lalaki na naghihintay sa may pinto. Familiar yon sa'kin. Varsity player. Baka sila ang nasa kabilang table na naririnig kong nagtatawanan. Kaya pala tumahimik dahil nandito sila sa cr.  Nanonood din ako ng game kapag intrams at madalas ko siyang makita doon. Kung hindi lang required ang attendance kapag intrams, hindi na ko papasok.

Nagkibit balikat ako at bumalik sa table namin. Tapos na rin silang kumain nung makarating ako. Good thing. Gusto ko na rin umuwi agad.

"Tara na?" Anyaya ko sa kanila. Sumimangot si Nami. "Ayos ka lang, Nami?" Tanong ko sa kanya habang umuupo sa tabi ni Dana. Kukunin ko lang yung gamit ko.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon