Chapter 1: Number 7

4.7K 60 13
                                    

Chapter 1 (Number 7)

Binalik ko ang tingin ko sa librong binabasa ko. Napailing nalang ako ng marinig ko na naman ang tili ni Dana. Tumingin ako sa kanya at sinenyasang tumahimik siya ng kaunti pero mukhang wala siyang naririnig o nakikita man lang. Nakangiti ito habang hawak hawak ang cellphone nito.

Dana, hindi ka ba nahihiya sa ibang students dito sa loob ng cafeteria? Kanina ka pa tumitili at ngumingiti dyan.”

“Hmm?” Nag-angat siya ng tingin sa’kin at nakangiti pa rin. “May sinasabi ka, best?”

“Meron.” Binalik ko ang tingin ko sa libro ko. “Pigilin mo ‘yang kilig mo dyan dahil lang sa binabasa mo.”

“Nagbabasa ka rin naman ah?” Sabay turo sa librong binabasa ko. Fallen.

“At least, hindi ako tumitili habang nagbabasa, hindi ba?”

“Sungit nito.” Binalik nito ang tingin sa cellphone na hawak.

Siguro ay binabasa na naman nito yung romance story na naka-save sa isang app nito. Iyon lang kasi ang libangan ng bestfriend niya bukod sa pag-aaral. Dapat masanay na rin ako. At least hindi ‘to nagda-drugs. Geez.

“Hey best! Akala mo makakalimutan ko ha?” Kinuha niya ang librong hawak ko. Akmang aagawin ko sa kanya pero tinago niya yon sa likod niya. Pinandilatan ko siya ng mata.

“Anong sinasabi mo dyan? Dana, I’m busy reading that book, so give it back to me.”

“Busy din akong magbasa kanina pero nakialam ka kaya mangingialam din ako sa’yo.” Tinaas taas niya ang kilay niya. Tinignan ko siya ng masama. “Hindi sabi ko kanina kung sinong matatalo sa pustahan natin, manlilibre ng lunch?”

“Anong pustahan?” Sinubukan ko ulit agawin ang libro ko pero mas lalo siyang lumayo sa’kin. Bumalik nalang ako sa pwesto ko. Hindi ko nalang kaya pansinin ‘to?

“Yung sabi ko hindi dadating ang prof natin kanina sa Capital Market, tapos pumusta ako? Tapos sabi mo dadating. Kaya talo ka.”

“Hindi ako pumusta. Sinabi ko lang na dadating pero wala akong deal.”

Inirapan niya ko. “Ang sungit sungit. Kaya wala kang boyfriend eh.”

I smirked. Kung alam mo lang, Dana. Kung alam mo lang kung bakit wala akong boyfriend ngayon. Tinanggal ko nalang sa isip ko lahat ng naalala ko. Ang mga ganong bagay, dapat kinakalimutan na. Matagal na yon at alam kong nakalimutan mo na rin yon.

Alright, ililibre na kita mamaya sa Sizzling. Kaya lang after class na, okay?” Sabi ko sa kanya. “At tigilan mo na ang pagbabasa ng mga ganyan. Kung hindi mo kaya, sa bahay ka nalang. At least walang makakakita.”

“Sabi na at hindi mo ko matitiis. Lakas kaya ng charm ko!” Ngumisi siya. Napailing na lang ako habang inaayos ang bag ko. Binigay na rin niya ang libro ko. “Pero hindi mo ko mapipigilan sa pagbabasa nito! Ito nalang yata ang nagpapakilig sa’kin.” She sighed dreamily.

Tinignan ko ang relo ko. 10 am. Kelangan na naming pumunta sa next class. Sinabit ko ang body bag ko sa balikat ko tapos tumayo na rin. Sumunod na si Dana sa’kin. Alam naming wala pang professor na makaka-attend sa’min ngayong linggo. Nagbaka sakali lang ako kanina sa Capital Market. 2nd week na ng school year at sigurado akong after 1 month pa mag-start ang klase. Marami pang students na nag-aadd at nagda-drop ng subject. Expected na yon. Lumabas kami ng University cafeteria at pumunta sa College of Management.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon