Chapter 65.1: Royce's Point of View

1.6K 39 24
                                    

Chapter 65.1

Royce Blaiden’s Point of View

“Gago talaga ‘tong si dela Cruz. Men, Resha Ocampo na ‘yon oh!” Napangisi ako at napailing sa sermon ni Don. Ni hindi ko nga kilala ‘yon. Tss.

“Ulol. Ingay mo, mahuli ka ni Mrs. Kim.” Sumulyap ako sa librarian na hanggang ngayon ay hindi pa rin naririnig ang kaingayan namin dito sa isang group table sa library.

“Seriously, dela Cruz?”

“What?” Binalik ko ang tingin ko sa activity naming isang oras ko na namang tinititigan. Who the hell invented this shit?

Pumitik siya sa harap ko. “Resha Ocampo.”

“Sino ba kasi yon?” Kumunot ang noo ko bago tumingin ulit sa kanya. Halos batukan ako nina Jayvee. Kasalanan ko bang hindi ko kilala ang tinutukoy nila?

“Damn, dude. Yung nagpapacute sa’yong III-Mendel!”

“Sino yun?” Tuluyan na nga akong binatukan ni Jayvee. Hinampas ko siya ng activity sheet na hawak ko. Yon ang naabutan ni Mrs. Kim na eksena. Pinatunog niya ang bell sa table niya bago tumuro sa’min.

“First warning.”

Natahimik kami. Nang hindi na nakatingin si Mrs. Kim ay binato ko kay Jayvee ang hawak kong activity sheet. Hindi na siya gumanti. Tumingin ako sa paligid. Nakita kong nakatingin sa’min ang ilang estudyante. Ngumiti ako sa mga babae. Umiwas lang sila ng tingin.

“Tss. Si Twinkle ng I-Einstein, wag mong sabihing hindi mo rin napapansin ‘yon? Nahuli kong naghuhulog ng love letter sa locker mo.” Bumaling ako sa nagsalitang si Gun. Umiling ako.

Sabay-sabay silang huminga ng malalim at para bang nawalan ng ganang kausapin ako. Damn. Don’t blame me for being so hot. And handsome.

“Look at your left. Nakita mo yung naka-pink na jacket? That’s Twinkle.” Tumingin ako sa left side ko. Then I saw the girl they’re talking about. Not bad. Nahuli ko ang pagtingin niya sa’kin pero agad din nag-iwas ng tingin. Namula ang pisngi niya. “Sa right side, that’s Resha. Kanina pa siya tumitingin dito.”

Umiling ako. Hindi ako makapaniwalang kanina pa nila napapansin ang mga tumitingin sa’kin. “And that’s Dana Roxas of I-Euclid. Mukhang may tama rin sa’yo oh.” Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong nakatingin si Don sa may harap namin. Lalo lang akong napailing.

Siguro mas mabuting gawin ko na lang itong activity namin kesa patulan ang kalokohan ng mga kaibigan ko.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa’kin dahil natapos ko ang activity ko. Sumandal ako sa upuan bago tiningnan ang mga kasama kong busy na rin sa pagsasagot. Napangisi ako. Easy.

I yawned. Damn it. Dapat talaga hindi ako nagpupuyat eh. Umayos ako ng upo. Hindi sinasadyang mapatingin ako sa harap ko. Hindi ko namalayang napatulala na ko sa babaeng naka-brown na jacket at nagsusulat…

“Sino si Dana?” Tanong ko sa mga kasama ko nang hindi hinihiwalay ang tingin sa babaeng yon… tell me she’s Dana. Fuck. Kanina pa siya tumitingin sa’kin? Tingin ka ulit. Please? “Dude!”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon