Chapter 31: Calm.

2.6K 42 5
                                    

Chapter 31

Unti-unti kong minulat ang mata ko. Tumitig ako ng matagal sa puting kisame. Napapikit ako nang maramdaman ko ang na naman ang sakit ng ulo ko. Damn it.

Dumapa ako sa kama. Dahan-dahan akong umupo sa kama. Hinawakan ko ang ulo ko dahil feeling ko pasan nito ang buong Earth. Damn, it hurts.

“Good morning, babe. How was your sleep?” Narinig kong boses ni Royce galing sa pinto. Nanatili akong nakapikit habang sumasagot.

“Masakit ang ulo ko.” Hinilot ko pa ‘to. Nagbabaka-sakaling mawawala ang sakit pero hindi pa rin tumalab.

“Of course. Tss. Nagluto ako ng soup. Kainin mo muna ‘to bago ka uminom ng gamot. Here.” Minulat ko ang isang mata ko bago tumingin sa kanya. Lumalapit siya sa pwesto ko para ibigay yung soup na ginawa niya.

Dun lang naging maliwanag ang lahat sa’kin. Tumingin ako sa paligid. Hindi familiar ang kwarto kung nasan ako. Sa pagkakaalam ko, hindi brown ang comforter ko. Walang malaking flat screen tv sa kwarto ko. Hindi rin white ang kurtina sa kwarto ko. At hindi malaki ang kwarto ko.

“OH MY GOD.” Nagdive ako pabalik sa kama niya. Hindi ko na naalalang masakit ang ulo ko. Binalot ko ang sarili ko ng comforter. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

“Kumain ka na, Hailey. Lalamig pa ‘to.”

Na’san akooo?!

“Skyla Hailey.” Dahan dahan akong tumingin sa baba. Nakadamit ako pero iba ito sa suot ko kahapon sa pagkakatanda ko.

“Oh my God.” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong i-rereact ko.

“Hailey.” Hinila niya yung comforter. Umirit ako bago binawi ‘to. Mukhang nagitla siya sa ginawa ko. Kagat kagat ko ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Parang gusto kong maiyak.

“N-na’san ako?”

“Nasa bahay ko. Nandito ka ngayon sa kwarto ko.”

Kinilabutan ako nang marinig na nasa kwarto niya ko. Gustong gusto ko na talagang umiyak.

“B-bakit nandito ako? Anong nangyari sa party? Na’san ang mga kaklase ko? Pa’no ako nakarating dito? At bakit… at bakit iba ang suot ko?!”

“Pinaltan kita ng dam—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nasapol na siya ng binato kong unan. Muntik nang matapon ang soup kung hindi niya nahawakang maigi. Binaba niya muna to sa side table. “Anong masama don?”

“ANONG MASAMA DON?! TINATANONG MO KO KUNG ANONG MASAMA DON, ROYCE BLAIDEN DELA CRUZ?” Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-iyak. Konting-konti nalang talaga, iiyak na ko.

“Hey…” Umatras ako nung makitang hahawakan ako. Sumimangot siya dahil don. “I’m just kidding. Wag kang lumayo, nasasaktan ako.”

“B-bakit nandito ako?”

Hinawakan niya agad ang kamay kong nakahawak ng mahigpit sa comforter.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon