Chapter 42: My girl.

2.3K 43 10
                                    

Chapter 42

Mabilis akong nagbihis nang makaalis si Royce. Pagbaba ko ulit ng sala ay nandon na ulit sina Harley at Levi na busy sa panonood ng movie.

“Hindi ka kasama, Levi?”

“Hmmm?” Sumulyap siya sandali sa’kin bago binalik ang tingin sa tv. “Kay Royce? That isn’t my business so… I don’t belong…” Ngumisi siya.

Tumabi ako sa kanila ni Harley sa sofa. Inabutan agad ako ni Levi ng popcorn. Action ang pinapanood nila kaya hindi ko masyadong na-enjoy. Panay ang sigaw nila kapag naeexcite silang dalawa. Napapailing nalang ako.

“Nachos, te!” Bahagya akong tinutulak ng kapatid ko. Inirapan ko siya bago binalik ang tingin sa tv.

“Ikaw na kumuha.” Sinipa niya ulit ako. Kumuha ako ng unan bago binato sa mukha niya. Nagalit yata kaya ginantihan ako. Nakatalikod ako sa kanya para maiwasan ang pag-atake niya nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na na-check kung sinong tumawag. Diretso ko yung sinagot at tinapat sa tenga ko habang iniiwasan pa rin ang kapatid ko.

“Aray! Lintek ka, Harley!” Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya. Piningot ko ang tenga niya. Siya naman ang umaray.

“Nag-aaway ba kayo ulit ni Harley?” Tanong niya sa kabilang linya. Binitawan ko ang tenga ni Harley.

“Hindi ah.” Hinampas niya ulit ako ng unan sa likod bago nagtatakbo sa kusina. “Bakit ka napatawag? Nakarating ka na ba sa dinner niyo?”

“Hmm…” Narinig ko na naman ang pagtawa niya ng mahina. “Namiss lang kita agad. Pababa palang ako sa sasakyan ko.”

“Okay. Ibababa ko na rin ‘tong tawag.”

“Wag muna. Gusto lang kitang kausapin. Mabobore lang ako dito.”

Tumayo ako bago lumabas ng bahay. Umupo ako sa may hagdan sa labas. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan niya.

“Makakaistorbo lang ako. Time niyo to ng Mommy mo.”

“No.” He sighed. “Kung oras namin ‘tong dalawa. Kami lang ang magdi-dinner.”

“Royce, ano na naman ba? Umuwi na ang Mommy mo, wag ka nang mag-isip ng kung ano.”

“Wala naman akong ibang iniisip kung hindi ikaw. Kahit may kasalanan ka sa’kin, iniisip pa rin kita.”

“Ano namang ginawa ko, lalake?”

“Nevermind, Hailey. Naaasar lang ako kapag naaalala ko ang mga nangyari.”

“Ano bang ginawa ko?” Kinagat ko ang labi ko at inalala lahat nang nangyari kanina.

“Oh, Hailey.” He sighed for the nth time. “No words can express how jealous I am.”

Nanlaki ang mata ko. Siya? Nagselos? Wala naman akong ginagawang masama. Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina. Pagkatapos mong makipag-holding hands sa iba. Nagpayakap ka pa. Hinawakan pa ang buhok mo tapos ngayon magjo-joke ka?

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon