Chapter 19: Your touch

3.1K 46 7
                                    

Chapter 19

“How about your dress? Anong color? Ni hindi mo man lang sinasagot ang tawag ko! Your shoes? Tinulungan ka ba ni Kuya pumili?” tango lang ang sagot ko sa mga tanong ni Dana. Monday na ulit. Kararating ko lang ng school pinaulanan agad ako ng tanong. “Ay? Yun na yun? Details, please.”

“Sana kasi sinamahan mo po ako para hindi ka na tanong ng tanong dyan.” Sagot ko sa kanya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa COE.

“Ang sungit, Miss. PMS? Hindi lang kita magantihan dahil birthday mo na bukas! Oh my gosh! 19 ka na!”

“Bukas pa. Ang ingay mo, Dana. Bilisan mo nalang maglakad.”

Tuloy pa rin ang pagtatanong niya kahit hindi ko sinasagot. Sanay naman na sa’kin ‘to, kapag natatamad ako magkwento, wala ka nang magagawa.

“Hailey! The birthday girl!” Iyon agad ang bumulaga sa’kin ng makarating kami sa room namin. Maraming estudyante sa hallway pero walang pakialam ang mga kaklase ko. Sabing bukas pa ang birthday ko. “Magpapainom ka ba, Hailey?”

“Hindi. Kanya-kanya kayong dala. Isang bote lang isang tao.”

“Ang korni naman!”

Ngumiti lang ako sa kanila. Naghintay muna kami na matapos ang klase ng mga estudyanteng gumagamit ng room namin bago kami.

“Gosh, Skyla Hailey!” Nagitla ako sa biglang pagsigaw ni Nami. Napatingin agad ako sa tinuro niya. “Linta talaga yang si Annika eh. Go get your man!”

“He’s not my man.” Lumabas nalang yon sa bibig ko. Pero diretso pa rin ang tingin ko kay Royce kasama ang mga kaibigan niya. Syempre hindi mawawala si Annika na kasama naman ang sarili niyang mga kaibigan pero ang kinakausap niya ay si Royce. Naglalakad sila papunta sa harapan ng room nila.

Huminga ako ng malalim. Naging maayos naman ang paghihiwalay namin nung Friday. Pero kapag nagtetext siya ay hindi rin ako nagrereply. Naaalala ko pa kasi yung mga pinag-usapan namin. At nahihiya ako dahil sa ginawa ko.

“We need to make a move. Hindi pa ba niya nababalitaan na hinalikan ka ni Royce sa cafeteria? O balak niya lang talagang sulutin yang si Royce?”

“Watch your mouth, Nami. Baka magkaibigan lang sila. At wag kang magsalita ng ganyan, nandito ka sa teritoryo nila. Baka may makarinig sa’yo. Baka hindi ka na makabalik dito.”

“So? Edi i-ban ko rin sila sa COM. Tss.”

“Nami—”

“HAILEY BEYBE! HAPPY BIRTHDAY!”

Natigil ako sa pagsasalita ng biglang lumitaw galing kung saan si Gina. Dali dali siyang tumakbo papunta sa pwesto ko. Tumahimik sa buong floor dahil sa sigaw niyang ‘yon.

“Bukas pa, Gina.” Pinandilatan ko siya ng mata pero ang bruha, ngiting ngiti pa sa’kin.

“I know.” Kumindat siya. “Now, nakuha na natin ang atensyon ni Papa Royce.”

And true enough, nakita ko siyang naglalakad na palapit sa pwesto namin. Nag-step back sina Nami na kinikilig naman ngayon. I get it. Ginawa niya lang ‘yon para maagaw ang atensyon ni Royce. Napatingin ako kay Annika na diretso rin ang tingin sa’kin. Mukhang hindi niya nagustuhan ang ginagawang paglapit sa’kin ni Royce.

“Hey,” hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa’kin. Hinawakan niya ang baba ko para mapatingin ako sa kanya. Bahagya siyang nakatungo para magkapantay lang ang mata namin. Napaatras ako ng isa. Hindi ako kumportableng ganito kami kalapit sa isa’t isa.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon