Chapter 46: Date my son

2K 39 15
                                    

Yan na! Dahil nagtweet ako na dalawa ang update ko ngayon araw, eto na ang 2nd update.

Chapter 46

“Hindi mo dapat sinabi yon sa kanya.” Sumimangot si Royce bago inayos ang seatbelt niya.

Pagkatapos ng nangyari kanina, halos hindi na ko kausapin ni Dana. Tahimik din lang si Nami sa tabi ko pero iba pa rin ang tingin na binibigay niya kay Dana. Siguro ay nakakakuha na siya ng idea kung ano ang nangyayari. Hanggang pagkatapos ng klase, bye nalang ang nasabi sa’kin ni Dana.

“Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Sorry na.”

Huminga ako ng malalim bago binaling ang tingin ko sa daan. Tahimik lang kami habang nagda-drive siya. Minsan nahuhuli ko siyang tumitingin sa’kin.

“Wala na naman siyang pakialam kung tayong dalawa na e, hindi na dapat siya makigulo sa’ting dalawa. Aba! Ang hirap kayang suyuin ka kapag nagagalit ka na.”

“So…” Hinampas ko ang kamay niya. Tumawa siya bago pilit na umiiwas sa hampas ko. “Nagrereklamo ka na?!”

“Hindi ah. Sarap mo kayang lambingin.” Hinampas ko ulit siya. Feeling ko namumula na ulit ang pisngi ko. Tuwang-tuwa siya na binubwisit  ako ng ganito. “Sa susunod gusto ko ako naman ang magtatampo, tapos lalambingin mo din ako.”

“Ano ba, Royce?!”

“Tapos isang hawak mo lang, bibigay agad ako.”

“Ang bastos mo, Royce!”

“What?” Sumulyap siya sa’kin sandali bago ngumisi. “Ikaw ang nag-iisip ng kakaiba. Inosente ako, babe, baka nakakalimutan mo.”

“Baka nakakalimutan ko? Gusto mo ipaalala ko kung ga’no ka kamanyak?”

Lalong lumaki ang ngisi niya. “Sige nga, babe. Sample.”

“Aish!” Kinurot ko ang braso niya. Natatawa pa rin siya kahit na nasasaktan na dahil sa’kin. “Ang kulit mo.”

“Mahal mo naman…”

I sighed. “Oo nga…”

“And I love you, too.”

Malaki pa rin ang ngisi niya kahit hindi na ko nagsalita. Natutuwa ako dahil natanggal ang init ng ulo niya dahil sa nangyari kanina. Hinatid niya lang ako sa bahay tapos umalis na rin agad siya. Sabi niya ay susunduin niya muna ang Mommy niya bago babalik siya dito sa bahay. Hindi ko rin naman siya mapipigilan. Matigas ang ulo non eh.

“La, baka po gabihin ako ng uwi.” Sabi ko kay Lola pagkatapos ko magbihis ng dress para sa dinner naming dalawa ni Tita Anna.

“San ka pupunta, hija?”

“May usapan po kami ni Tita Anna eh. Dinner po. Tatawag nalang po ako kapag pauwi na ko.”

“Oh sige, mag-iingat ka ah?”

Hinatid ako ni Lola hanggang sa makasakay ako ng taxi. Nakarating agad ako sa restaurant na sinabi ni Tita. Nakita ko siyang nakaupo na don at naghihintay ng pagdating ko. Ngumiti siya nang makita akong papalapit.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon