Chapter 8: Number

3.4K 42 9
                                    

Chapter 8 (Number)

Pagkatapos ng pag-uusap namin sa mall, hindi ko na siya pinansin ulit. Hinatid ako nina Dana sa bahay dahil dala naman ni kuya Dino ang sasakyan nila. Hindi na nagtanong si Dana kung bakit parang wala na kong gana nung bumalik ako sa NBS. Gustung-gusto ko talaga ang pagiging maintindihin ng bestfriend ko. Alam niya kung kelan ko siya kelangan o kung kelan siya mananahimik nalang.

Lumipas ang isang linggo. Wala namang kakaibang nangyari sa’kin bukod sa pansin kong pag-iwas ni Royce sa’kin. Yun naman talaga ang gusto ko diba? Kahit nahihirapan akong iwasan siya dahil gusto siya ni Nami at gusto niyang mapalapit dito, siya naman ang gumagawa ng paraan para makaiwas sa’kin.

Sa klase lang namin sa COE ko siya nakikita dahil katabi lang ng room namin ang room nila. Kapag nasa COM na sila, parang bigla siyang naglalaho. Hindi ko talaga siya nakikita o maaga lang silang pumapasok sa room? I don’t know.

“Aray…” Napatingin ako sa gamit ko na nasa sahig na ngayon. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na napapansin ang nasa paligid ko.

“S-sorry, Hailey.”

Tumingin ako sa taong nabunggo ko, nakita kong pinupulot na ni kuya Dino yung gamit ko.

“Kuya, ako na.” Kinuha ko yung mga gamit ko sa kanya. “Sorry, Kuya Dino. Hindi kita napansin.”

“Ayos lang. San ka ba? Hatid na kita?”

“Hindi, wag na kuya. Sa COE lang naman ako.” Nasa tapat ako ng Administration Office ngayon dahil naisip kong dito nalang dumaan para mas malapit sa COE. “San ka galing, wala kang klase?”

“Mamaya pa. May meeting lang kami kaya maaga akong pumasok. Tara na, hatid na kita.”

Kahit ayoko nang magpa-istorbo, nagpumilit pa rin si kuya Dino. Hinatid niya ko sa COE. Napansin kong medyo maraming estudyante ang nasa hallway. May mga klase pa siguro sa room nila.

“Okay na ko, Kuya Dino. Nakikita ko na sina Dana. Baka lokohin na naman tayo non kapag nakitang magkasama.” Biro ko sa kanya. Alam ko namang hindi totoo yon eh.

“Naiilang ka ba?” Tanong niya sa’kin. Ngumiti lang ako at umiling. “Pasensya ka na kay Dana.”

“Hindi naman, kuya. Sanay na ko sa kapatid mo. Sige na, baka mahuli ka pa sa meeting mo. Bye.”

Kumaway ako sa kanya. Hinatid ko siya sa tingin hanggang makababa siya ng hagdan ng COE. Naglakad na ko palapit kay na Dana na busy pa rin sa pakikipag-kwentuhan. Habang naglalakad ako, may naririnig akong bolang tumatalbog sa gilid. Ramdam ko rin ang tingin ng ilang estudyante sa’kin. Sanay na ko sa ganon. May ilang estudyante talagang kung makatingin eh para kang nakagawa ng kasalanan.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang may nakabangga sa’king babae. Halos matumba ako kung hindi lang ako nahawakan ng kung sinuman na nasa likod ko. Naamoy ko agad ang pabango niya. Lumayo ako sa umalalay sa’kin. Damn you, heart.

“A-aah… s-s-sorry.” Sabi nung babaeng nakabangga sa’kin pero diretso ang tingin sa tumulong sa’kin na si Royce.

“Sa kanya ka mag-sorry.” Tumingin sa’kin si Royce. Dun natauhan ang babae, humarap siya sa’kin at nag-sorry. Halatang interesado siya kay Royce. Tss.

Tumango lang ako sa babae. Binalik nito ang tingin kay Royce. Gusto kong mapairap. Bakit masyado silang obvious sa mga gusto nila? Argh!

“Royce!” Pati ako napatingin sa tumawag sa kanya. Nakangiting kumaway ang tumawag sa kanya. “Let’s go, andito na si Ma’am.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon