Chapter 7: Turn back time

3.3K 50 10
                                    

Chapter 7 (Turn back time)

“Hindi ka na ba kakain, kuya?” Tanong ni Dana sa kapatid niya. Umiling lang si kuya Dino bago bumaling sa’kin ng nakangiti.

“Tapos na ba kayo?”

“Ah… oo.” Sagot ko sa kanya. Tumingin ako kay Jasmine at nakita kong nakangiti siya sa’min. Bakit ba lahat ng bagay ay binibigyan nila ng malisya? Kaibigan ko lang si kuya Dino. Kapatid din ng bestfriend ko. Hindi naman masamang sumama siya, di ba? “Ahm, aalis na kami, Jas. Mamimili pa kami eh.”

“Sige… enjoy kayo.”

Iniwan namin ang bill kasama ng bayad namin. Tumayo na kami bago nagpaalam kay na Jasmine. Nung tumingin ako kay Royce, tulala na naman siya. Pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo.

“Oh, san ka Royce?”

“Aalis na rin.” Kinuha niya ang wallet niya at naglabas ng pera. Halos manlaki ang mata ko sa nilabas niyang pera. Sobra sobra naman yon! Iniwan niya yon sa lamesa bago dire-diretsong lumabas ng restaurant na hindi man lang nagpapaalam.

“May problema ba yon?” Narinig kong tanong ni Jasmine sa boyfriend niya. “Mukhang nilibre tayo ah?”

Binalewala ko nalang ang kung anumang ginawa niya. Baka may date kaya nagmamadali. Napasimangot ako sa naisip ko.

“Ayos ka lang, Hailey?” Nag-snap si Dana sa harap ko. Napatingin nalang ako sa kanya bago tumango. Nagpaalam ulit kami kina Jasmine bago tuluyang lumabas.

Naisipan naming dumaan muna ng Department store. Sumama naman sa’min si kuya Dino kahit wala siyang bibilhin dito. Sinamahan kong mamili ng bagong damit si Dana. Tuwing pumapasok siya sa fitting room, sinasamahan ko naman si kuya Dino sa pag-iintay.

“Pasensya ka na kay Dana, kuya. Medyo mahilig talaga yon mamili.”

“Ayos lang. Sanay na rin naman ako.” Ngumiti siya sa’kin. “Ikaw, wala ka bang bibilhin?”

“Wala naman. Marami pa naman akong damit sa bahay eh. Gamit lang talaga sa school bibilhin ko.”

Tumango tango siya. Medyo natulala pa siya sa’kin pero mukha siyang natauhan at nag-iwas ng tingin.

“A-ahh… k-kamusta naman ang Finance?”

“Ayos naman.” Nakita kong kinuha na ni Dana yung napali niyang damit. Pumunta na siya sa counter para bilhin yon. “Medyo mahirap pero kaya pa naman.”

“How about… your personal life?”

“Hmm? Hindi pa ba personal yon?” Tumawa ako nung napakagat labi siya. Mukha yatang napahiya siya sa tanong ko.

“No… I mean… boyfriend? Suitors? Admirers?”

“Hmm. Love life?” Tumango siya. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa mga damit na nasa harap ko. “Sakit lang ng ulo mapapala ko dyan. Studies muna before anything else.”

Tumango tango siya habang kagat pa rin ang labi niya. Nakita kong papalapit si Dana kaya sinalubong ko na agad siya. Marami pala siyang binili. Grabe rin mag-ubos ng pera ang isang to.

“NBS tayo?” Tanong niya. Tumango ako bago sumabay maglakad sa kanya. Nasa likod ang namin si kuya Dino na mukhang tulala habang naglalakad. Hindi yata napapansin ni Dana yon dahil patuloy lang siya sa pagdaldal. Parang hindi mauubusan ng kwento.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon