Chapter 60: Caller

2K 45 6
                                    

Chapter 60

Inabot sa’kin ni Royce ang mga damit na pinadala ni Lola kay Manong Jose. Madali akong naligo. Sumunod naman siya pagkatapos ko. Hindi ako pinayagang umalis ni Royce nang hindi siya kasama kaya hinintay ko siyang makatapos din maligo.

Nang makarating kami sa sasakyan niya ay nakaramdam ulit ako ng kaba. Pa’no kapag hindi ako tanggapin nina Nami? Pa’no kung ipagtabuhayan nila ulit ako? Hindi ko maiwasang hindi maging negative. Matagal akong nawala at iba ang nakarating sa kanilang balita.

Pero hindi ako dapat matakot. Kung hindi nila ako matanggap, nandito pa rin si Royce sa tabi ko.

“Hanggang anong oras ka, babe?”

“Hmm?” Tumingin ako sa kanya. “6 ang out ko.”

“Alright, susunduin kita mamaya. Sabay na tayong pumunta sa Verbena.”

“O-okay…” Huminga ako ng malalim bago tumingin sa bintana.

“Kinakabahan ka pa rin ba?” Tanong niya. Tumango ako. Hindi ko naman kayang ikaila eh. “Wag kang kabahan, okay? Gusto ko ako lang ang nakakapagpakaba sa’yo. Ako lang ang nagpapabilis ng puso mo kapag lumalapit ako…”

Tumawa siya nang makitang sumimangot ako. Hinila niya ko palapit sa kanya. “Tumingin ka nga sa daan.” Sabi ko. Kasi sa totoo lang, nanghihina ako sa bawat titig niya.

“Eh mas masarap kang titigan eh.”

“Pag nasagasaan tayo…”

“Tss. Halika nga dito.” Tuluyan na kong napasandal sa balikat niya. “Hindi naman ako papayag na masaktan ka.”

Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa Eternity. Tumingin ako sa relo ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang two minutes nalang ay mage-8 o’clock  na. Dali-dali akong lumabas ng kotse niya kahit hindi pa maayos na napa-park.

“Dahan-dahan nga, Hailey!”

“Late na ko!”

Tumakbo ako papasok ng Coffee Shop. Dali-dali kong nilagay ang thumb ko sa BAS. Pagtingin ko sa oras ay 7:59AM. Muntik na kong ma-late!

“Aba, muntik na masakto ah?” Bati ni Ate Mikay sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti lang ako sa kanya. “Alam mo ba yung trip ko dati? Saktong 8 am ako nagve-verify.”

“Po? Bakit naman po?”

“Feel ko lang gawin.” Binuntunan niya iyon ng tawa. “Pero nung minsang gagawin ko yun, nawili ako ng kwento kay Jayson, naging 8:01. Di ko na inulit.”

Napatawa na rin ako sa sinabi ni Ate Mikay. Napansin kong wala pa si Paulyn. Siguro ay male-late? Nagkibit balikat ako bago dumiretso sa locker room. Kinuha ko ang uniform ko bago nagpalit sa CR. Paglabas ko ay naabutan ko si Ate Mikay na iba ang tingin sa’kin. Ngumuso siya. Sinundan ko iyon ng tingin. Nakita ko ang bouquet ng roses sa table sa loob.

Kanino yan, Ate?”

“Sana sa’kin pero sa’yo naka-address eh.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon