Chapter 24: Dead

2.7K 46 6
                                    

Salamat po sa lahat ng bumati! Love you all! <3

Chapter 24

 

 

 

Napangiti ako nang makita kong puro amos si Dana habang kumakain ng ice cream. Nasa isang Korean shop kami ngayon sa labas ng subdivision. Gusto niyang kumain ng ice cream sandwich.

 

“Sabi kasi nila ice cream daw ang nakakapagpagaan ng loob ng isang tao. Sinubukan ko ngayon. Effective naman. Thanks best. Libre mo ‘to, diba?”

“Oo na. Pasalamat ka birthday ko.”

“Happy birthday!” Ngumisi siya sa’kin ng pagkalaki-laki. Halata pa rin na galing siya sa pag-iyak. “Nagbukas ka na ba ng regalo?”

“Nope. Bukas na siguro. Help me, alright?”

“Sure!”

 

Pinunasan niya lahat ng kalat sa pisngi niya bago kami lumabas ng shop. Dumiretso agad kami sa bahay. Gising pa ang kapatid ko at mukhang hinihintay talaga ako.

 

“San ka ba nagpunta?” Inirapan niya ko bago tinalikuran. “Gabing-gabi na kung saan saan ka pa pumupunta. Nag-aalala sa’yo si Kuya Royce!”

“Kumain lang kami sa labas. Ang o.a mo naman!”

“Tawagan mo si Kuya Royce!”

 

Yun lang at umakyat na siya sa kwarto niya. Napatingin ako kay Dana. Nagkibit balikat lang siya. Halatang sanay sa sigawan naming magkapatid. Tumaas agad ako sa kwarto ko. Siya naman ay dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

Ngayon ko lang nacheck yung orasan. Halos manlaki ang mata ko nang makitang magaala-una na pala ng madaling araw. Tinignan ko ang cellphone ko at nagulat sa 67 missed calls ni Royce. Nag call back agad ako. Isang ring palang, sinagot niya na.

 

“Where the fuck did you go?” Nilayo ko nang konti ang cellphone sa tenga ko. Sobrang lakas ng boses!

“Kumain lang sa labas—”

“Do you have any idea what time it is?! It’s fucking one in the morning!”

“And…? Bakit mo ko sinisigawan? Wala akong ginagawang masama!”

 

Tumahimik sa kabilang linya. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago nagsalita ulit.

 

“Matulog ka na…”

“Akala ko ba galit ka?  Bakit pinapatulog mo naman ako ngayon—”

“Just because I’m mad doesn’t mean I don’t care, Skyla Hailey. You don’t wanna see me damn mad so just do what I told you.”

“Royce, relax, okay?” Nagiinit na rin ang ulo ko sa mga sinasabi niya. “Kumain lang kami ni Dana sa labas. Gusto kong pagaanin ang loob ng bestfriend ko kaya ‘wag kang magalit dyan. Baka nakakalimutan mong wala na tayo kaya hindi pwedeng basta basta mo nalang ako uutusan.”

“Baka nakakalimutan mong nanliligaw ako sa’yo—”

“At nanliligaw ka palang kaya hindi pwedeng basta basta mo nalang ako utusan.” Ulit ko. Napangiti ako sa isip ko. Yes. Under siya. Akala niya magiging madali ang lahat?

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon