Chapter 44: My son's girlfriend

2.2K 35 10
                                    

Chapter 44

Umupo siya sa tabi ko bago bumaling sa prof namin. Nakangiti lang siya habang nakikinig. Nagtatanong ang tingin sa’kin nina Gina pero nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko naman alam kung anong nangyayari kay Dana.

“May gagawin ka mamaya, Hailey?” Tanong ni Dana nang palabas na kami ng room. Umiling ako. Nagkaroon na ng gap sa’ming dalawa. Siguro ay sa side ko lang. Hindi ko alam kung tama pa bang makipag-usap sa kanya. “That’s good! Samahan mo ko.”

“Saan tayo pupunta?”

“Dinner tayo. Sabi ko kay Mama isasama kita.”

“M-magpapaalam muna ako…”

“No need. Si Mama na bahala makipag-usap kay Lola. Hindi naman tayo magtatagal eh.”

“O-okay.”

“Alright!”

Nagpunta na kami sa next class namin. Hindi ko masundan ang pinaggagagawa ni Dana. Basta gulung-gulo ako. Siguro ay dahil hindi niya pa alam na alam ko na ang mga ginawa niya sa’ming dalawa ni Royce.

“Sorry nga pala sa mga sinabi ko dati.” Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya. Nandito kami ngayon sa extension canteen. Nakatitig lang ako sa kanya. Siya naman ay nagsasalita habang nilalaro ang pagkain niya. “Alam kong nasaktan kita. Sana mapatawad mo ko.”

Tumingin siya sa’kin bago ngumiti. Tumango lang ako bilang sagot. Kung kausapin ko siya ngayon at tanungin lahat ng nangyari dati? Sasagutin niya kaya ako? I… I don’t think so…

Kinuha ko ang phone ko na kanina pa nagba-vibrate sa bulsa ko. Ilang missed calls at message galing kay Royce.

From: Royce

Di pa kita nakikita, Miss. :(

From: Royce

Kumain ka na ba? Date tayo. Please? Please?

From: Royce

Kapag di ka nagreply, susugurin kita dyan sa COM.

“Sinong ka-text mo?” Yun lang ang nabasa ko sa mga text ni Royce dahil sa biglang pagsasalita ni Dana.

“Wala, binabasa ko lang yung text sa’kin kanina pa.”

 Tumango siya pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap niya sa phone ko.

“May gusto ka bang sabihin sa’kin, Hailey?” Sumandal ako sa upuan ko bago umiling sa kanya. Seryoso niya kong tinignan. “Sana hindi ka nagsi-sikreto sa’kin. Ayokong mag-away tayo dahil don.”

“Sa tingin mo ba ganon akong klaseng tao?”

“Nope, sinasabi ko lang.”

“Ikaw? May gusto ka bang sabihin sa’kin?” Tanong ko sa kanya sa pinakamaayos na paraan na kaya ko.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon