Chapter 52: Letter

1.5K 26 5
                                    

First update. :) 

Chapter 52

“Pwede ko bang mahiram ang phone mo, Karlo?”

“Ha?” Bigla siyang tumingin sa’kin. “My phone?”

Tumango ako.

“Tatawagan ko sana ang bestfriend ko.”

“Alright. Medyo mahina lang signal dito.”

“Lalabas nalang ako.”

Dali-dali naman niyang kinuha yon sa bulsa niya. Mag-iisang linggo na ko dito sa probinsya wala pa rin akong natatanggap na balita. Hirap din sa connection dito kaya kahit sa Facebook ay hindi ako makakonekta. Hindi ko sigurado kung tumatawag na sa’kin si Royce. Mugto pa ang mata ko dahil sa pag-iyak dahil sa nangyari kay Lolo Eddison. Dito na rin siya sa inilibing sa probinsya. Kelangang kelangan ko si Royce pero ayokong magambala siya kasama ang pamilya niya.

Dali-dali kong tinawagan ang number ni Dana. Siya lang ang makakatulong sa’kin ngayon. Hindi naman nagtagal ay sinagot niya rin ito. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago nagsalita.

“Hello?” I sighed. “Sino ‘to?”

“Dana…”

“Oh, God!” Hindi ko alam kung umalis siya dahil nawala ang ingay sa background. “Hailey! Sa wakas, nagparamdam ka din. Kamusta ka? Namimiss na kita. Kailan ka babalik dito? Hindi ko macontact ang number mo.”

Napatingin ako kay Lola na wala pa rin sa kanyang sarili. Simula nang mawala si Lolo Eddison ay nagkaganon na si Lola. Pakiramdam ko ay hindi na rin niya ko nakikilala.

“I’m not fine…” Bigla biglang tumulo na naman ang luha ko. Narinig ko ang pagtawag ni Dana sa pangalan ko. “H-hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, mukhang matatagalan pa kami dito. Hindi namin makausap si Lola. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.”

“Best, hindi ka bibigyan ng problema na hindi mo malalampasan. Nandito lang ako. Hihintayin ko ang pagbabalik mo.”

“I know, best. I know…” Pinigilan ko ang sarili kong mapahagulgol. “May balita ka ba kay Royce? Naiwan ko ang phone ko sa bahay. Hindi ko alam kung tumatawag siya.”

“Wala, Hailey. Wala pa kong balita kung nakabalik na siya. Pero kapag nakita ko siya, ibibigay ko agad ang letter mo. Or tatawagan kita agad. Ito na ba ang bago mong number?”

No. Hiniram ko lang ‘to. Salamat ulit, Dana.” Narinig ko na naman ang pag-iyak ni Lola. “I need to go, Dana. Kelangan ako ni Lola.”

“Sige, Hailey. Tatawagan nalang kita. I miss you so much!”

Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko ang pagyakap nina Tita kay Lola. Biglang lumapit sa’kin si Harley at niyakap din ako bago umiyak sa balikat ko.

“Hush, Harley.”

“Ate…” Humagulgol siya sa balikat ko. Pinigilan ko ang sarili ko na wag umiyak. Napatingin ako kay Karlo, nakita kong ngumiti siya ng malungkot sa’kin.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon