Chapter 30: First.

2.5K 38 5
                                    

Chapter 30

“Ms. Skyla Hailey Bautista dela Cruz, let’s get some air. Hinahanap ka na ng irog mo. C’mon!” Napalingon agad ako sa may pinto nang biglang pumasok si Nami. Ngumiti siya nung makita agad ako. “Oh! Hi there, Dana Antonia Roxas! Wag nga kayo dito. Nasa labas ang party. Tara don!”

Wala na kong nagawa nung higitin niya ko palabas. Ni hindi ko na nalingon si Dana.

“Lumilindol ba, Namiah?”

“Oh my!” Bigla siyang humarap sa’kin. Muntik pa kong mapangudngod sa kanya kung hindi ko lang nabalance ang sarili ko. “Lasing ka na?”

Lumapit siya sa’kin para amuyin ako. Ngumiwi siya. “Amoy alak ka na. Lagot ka kay fafa Royce…” Sinimangutan ko siya.

Tumawa lang sa’kin ang luka. Lumapit ako sa table ng mga girls. Nagkukwentuhan sila tungkol sa kung anu-anong bagay. Kahit nakainom naman ay hindi pa sila mga lasing. Ako lang yata ang malakas tamaan ng alak.

“Let’s play, dears!” Ngumiti si Kath ng makita ako. “Ayan na si Hailey, dito ka dearest!”

Umupo ako sa vacant seat sa tabi nila. Pinatong ko ang siko ko sa lamesa bago tumingin sa kanila. Masyadong mainit ang pakiramdam ko. Shit.

“Anong lalaruin natin?” Nakita kong umupo si Dana sa tabi ni Nami. Pinatong niya ang ulo niya sa lamesa. Lasing na nga talaga.

“Anong ginawa mo dito, Hailey?” Umiling agad ako sa tanong ni Nami. Pero mukhang kasalanan ko nga kung bakit nalasing si Dana. Hindi ko kasi napigilan eh.

Pinatong ko naman ang right cheek ko sa lamesa para kahit papa’no, kita ko pa rin sila. Hindi naman marami ang nainom ko. Bakit ba ganito ang epekto nito?

“Oh my!” Nanlalalaki na naman ang mata ni Nami habang nakatingin sa likod ko. Nagform ulit ng heart iyon. Tumingin siya sa’kin bago ngumisi. Mukhang kinikilig ang bruha.

Tinignan ko sila habang shina-shuffle yung dare cards. Truth or dare. Obviously.

“Are you drunk?” Narinig kong may bumulong sa tenga ko. Napabangon agad ako. Medyo nahilo pa ko dahil sa bilis. Hinawakan niya agad ang likod ko para hindi ako tuluyang mahulog. Wala kasing sandalan yung upuan.

“A-ahm, no.” Umiling iling pa’ko. Lalo lang akong nahilo dahil sa ginawa ko. Hinawakan niya yung ulo ko tapos pinatong sa balikat niya. Ahh… heaven. “Sinabi ko sa’yong wag kang iinom. Ang tigas ng ulo.”

“Kasalanan mo.” Pumikit ako. “Hindi mo ko binantayan.”

Hinalikan niya ang ulo ko bago hinawakan ang bewang ko. Napamulat ako ng mata dahil don. Nakita ko agad ang kakaibang ngiti ng mga kaklase ko. Hindi na sila nagsalita. Mabuti nalang. Alam yata nilang nahihiya ako.

“Truth or dare. Okay? Walang kj. Lahat ng nakaupo sa table na ‘to, kasali!”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon