Chapter 26: Uneasy

2.8K 40 10
                                    

Chapter 26

 

 

Lumipas ang ilang linggo, ganun pa rin si Royce sa’kin. Pero mas madalas magtampo ang bwisit. Konting ginagawa ko lang, napapansin niya.

 

 

“Oh, dear! Midterm week na next week! What am I gonna do?” Iiling iling ako habang binababa ko ang cellphone ko dahil sa naloloka nang si Nami. Third week of August kasi ang Midterm week dito sa NCU.

 

Binaling ko nalang ang atensyon ko kay Dana na naka-kunot ang noo habang sinusundang ng tingin ang cellphone ko.

 

“Dana?”

“Hmm?” Biglaan siyang tumingin sa’kin. Umiling lang ako bago ngumiti. Sumandal ako sa upuan bago huminga ng malalim.

 

Madalas nakakatext ko nalang si Royce dahil sa pagiging busy niya sa basketball. Wala namang kaso sa’kin yon. I mean, at least natuto na siyang maging busy para mga gusto niyang bagay. Pero knowing Royce, gagawa at gagawa siya ng paraan para makasama ako.

Intrams na next month. Dahil don kaya lalo siyang naging busy. Minsan magtetext siya sa’kin ng 11 ng gabi. Dun palang siya nakauwi ng bahay dahil sa pagpa-practice.

Hindi ko alam kung good thing ba ‘to o hindi dahil konting-konti nalang, mahuhulog na ulit ako. Konting-konti nalang mapapa-oo na naman niya ko. Stupid of me. Masyado ko siyang mahal.

 

“What about group study? Matagal tagal na rin nating di nagagawa ‘yon.” Sabi ni Nami. Tumango lang ako. Binigay nila yung day kung kelan kami magg-group study. “Uhh! Sana magnext week na para matapos na ang kalbaryo ko at mag-intrams na! Makakakita na naman ako ng maraming gwapo~”

 

Dahil main campus ito, dito dumadayo ang ibang satellite campuses. Kaya tuwang tuwa si Nami dahil marami na naman siyang makikitang ibang players.  Hindi ko na pinansin si Nami kahit natatawa ako sa mga sinasabi niya. Kinuha ko ang cellphone ko nung makita kong umiilaw ‘to. Message from Royce. Again.

 

From: Royce

Bad, Hailey. Lumipat ka ng pwesto. I don’t want you sitting next to a guy.

 

Lumipad ang tingin ko sa left side ko. Ang isa kong kaklase lalake nga ang katabi ko. Napairap ako bago nireply-an siya.

 

To: Royce

Wala kaming ginagawang masama.

 

Nahuli ko ulit si Dana na nakatingin sa cellphone ko. Maya-maya ay huminga siya ng malalim bago nilipat ang tingin sa white board sa harapan.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Diretsong nakatingin sa’kin ang seryoso niyang mata. Napasimangot ako. Umiwas nalang ako ng tingin. Oo nga pala, nasa kabilang klase lang siya. Hindi ko na binalik ang tingin ko sa kanya nung pumasok na ang prof namin. After class, dumiretso agad kami sa next class namin. Hindi ko na siya ulit nakita. Nagtext siya sa’kin na sabay nalang kami mag-lunch.

Immune na ang mga kaklase ko na palagi kong kasama si Royce. Pero kapag lunch, hindi pumapayag si Royce na may kasama kaming iba sa table. Dahil don, minsan nagtatampo si Dana. Pero alam ko namang hindi siya seryoso sa pagtatampo.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon