Epilogue (08/14/17)

40.6K 842 223
                                    

For God will give what our heart desire <3 Thank you Lord for answering my prayer for me to have my complete story :) I am so blessed and very thankful <3 Si Lord ang dahilan kung bakit ko ito natapos. Siya ang nagbigay ng talentong makagawa ako ng isang story kaya salamat sa Kanya <3 Thank you Lord for this opportunity <3 Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa Kanya <3


At... MARAMING MARAMING SALAMAT SAINYONG LAHAT :) SALAMAT MGA BABES <3 Salamat po sa mga nagbabasa ng story na ito :) Dahil din po sainyo kung bakit ko ito natapos :) Salamat po sa walang sawang suporta. Salamat po sa pagmamahal niyo. Salamat po sa lahat-lahat. Hindi ko ito magagawa kung wala kayo :) Salamat sa nagtitiwala pa rin kay Owtor kahit na ganoon ang kinalabasan ng last chapter. I know karamihan sainyo nadisappoint at nainis na rin kayo kay Owtor kasi ending na nga umiiyak pa rin si Amanda. Hindi lahat ng story nagtatapos sa happy ending :) But if you believe it will :) So ayun. This will be the epilogue of CTBB :) Salamat po ng marami :) Thank you for trusting me. Thank you for your love and support. I love you guyseu <3






Epilogue





(This is going to be a short epilogue. No special chapter.  Thank you for making this far. Salamat sa pagsama kay Owtor mula prologue hanggang dito sa epilogue. I hope na kahit paano hindi kayo madismaya sa ending kahit magiging bitin :) Haha :) Maraming salamat po <3)





***


May mga bagay talaga sa mundo na kailangan mong isuko. May mga pangyayari talaga sa buhay na kailangan mong masaktan para maging mas matatag.



May mga pagkakataon talaga sa buhay na magmamahal ka at masasaktan sa huli.




Pero sa kabila ng lahat ng ito wala akong pagsisisi.



Dahil natuto ako sa mga nangyari. At sisiguraduhin ko... Magiging malakas na ko para sa anak ko.




Naalala ko pa noon.. The first time I saw Lucian... Naiinis ako sa kanya dahil napakaarogante niya. Naiinis ako kasi naapektuhan ako ng kayabangan niya. At naiinis ako kasi nakuha niya ang atensyon ko na hindi nagawa ng iba.




Akala ko iyon na ang huli naming pagkikita pero hindi pala. Nagkita kami ulit sa library at ninakaw niya ang una kong halik. Akala ko iyon lang ang nanakawin niya pero pati pala puso ko nanakawin din niya.



Marami pa ang dumating sa buhay ko. Hindi ko nga akalain na pati ang akala kong perpekto ko ng pamilya... Ay may problemang kahaharapin pa pala. 




Nagsimula ang lahat nang malubog sa utang ang pamilya ko. Hindi ko alam na posible pa pala iyon gayong napakatayog ng kumpanyang pagmamay-ari ng mga magulang ko. Dahil doon ay nagkaroon ng malaking problema ang pamilya namin. Nagkagalit sina Papa at Kuya kaya umalis si Kuya sa bahay. Nag-away sina Mama at Papa na muntik pang maghiwalay.



Thinking all what happened in my family makes me want to cry so hard I couldn't breathe.






I've been so miserable so I decided to get drunk in a bar to forget. Akala ko kaya ng alak na makalimutan ko ang lahat. Pero hindi pala. Dahil mas malaking problema lang ang kinaharap ko. Problema nga ba talaga iyon?



I was so drunk that day nang magkita ulit kami ni Lucian. Hindi ko nga alam na siya pala iyon. I almost give myself to him. Mabuti na lang at nagawa niyang kontrolin ang araw na iyon. Akala ko nakahanap ako ng kakampi nang mailabas ko sa kanya lahat ng hinanakit ko kasi may isang taong nakinig sakin pero hindi ko alam na gagamitin lang pala niya iyon para mapapayag ako sa kontrata niya.



Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now