Chapter Fifty

26.5K 555 100
                                    

Chapter Fifty










[A/N: Waaaahhh! Sorry guyseu kung ngayon lang ako nakapag-update. Nasira na ang cellphone ko kung saan ako nagsusulat huhuhu. Iiyak na talaga ako huhuhu. Pasensya na kung natatagalan :'( Maikli lang ito huhu. Salamat :) Enjoy reading :)]







***


Nagising ako dahil kumakalam na ang sikmura ko. Dinilat ko ang mga mata at nakita na nasa sofa pala ako nakatulog.




And then I realized why... Kumalabog ang puso ko. Did we really sleep together in this sofa? Panaginip ba iyon o totoo? What about the kiss? My god! So totoo nga? Parang imposible kasing mangyari.




Lately... Lucian is somewhat strange. May sakit kaya siya?


Ewan!



Napangiti ako na lang ako. Nagdasal lang ako saglit at tinupi ko na iyong kumot nakalagay sakin na paniguradong siya ang kumuha.




Nang bandang 10 ay naalala ko na may meeting siya with the investors diba? I get my phone and texted him.



Ako:

   Good luck sa presentation mo :) I know you can do it.



Hindi ako nakatanggap ng reply sa kanya. Ano pa bang aasahan ko hindi ba?




The whole day masaya ako. Ewan ko pero pakiramdam ko naging magaan ang loob ko dahil sa nangyari kagabi. Hayst! Stop thinking too much, Amanda... Hmm kay?



Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw ng dagat mula sa veranda at ang pagguhit ng mga nakikita ko mula rito. Ito na ang pampalipas oras ko. Ayokong mawalan ng ginagawa kasi namimiss ko lang ang pamilya ko at mag-iisip lang ako tungkol sa nangyayari.



Tulad ng mga dati kong gawi tuwing gabi ay hinihintay ko si Lucian. Mukhang back to normal na naman si Lucian dahil hindi siya maaga ngayon umuwi. Nakatanggap din ako ng text mula kay Phoenix na nasa Maynila na pala siya kanina pang umaga. I just texted him na mag-iingat. Mukhang busy siya dahil wala na siyang text pagkareply niya ng mag-iingat daw ako parati.



Lumipas ang ilang oras ay inantok na ko kaya umakyat na ko sa kwarto para matulog. Hindi na naman umuwi si Lucian. Tss! Hindi ko siya minsan maintindihan. Kung kailan kasama ko si Phoenix ang aga niya lagi umuuwi kaya bad shot kami pareho ni Phoenix sa kanya. Kapag wala akong kasama di siya umuuwi. Hay naku!!!! Hindi ko siya maintindihan. 




Nakatulog ako sa kakaisip dahil doon. Kinaumagahan ay hindi ko rin nakita si Lucian. Mukhang di talaga siya umuwi. May bago ba?



Kamusta kaya iyong naging meeting niya for the investors? Ano kayang nangyari? Baka kaya siguro di siya umuwi dahil doon? Di kaya niya nakuha? Galit kaya siya?



I texted him Good morning at tinanong ko kung kamusta iyong nangyari sa investment niya. Pero wala akong nakuhang reply.




Lumipas ang tatlong araw na ako lang mag-isa sa bahay. Kapag umaga ay titignan kung umuwi ba si Lucian o hindi. Kakain mag-isa, maglilinis ng bahay para may pagkaabalahan, pupunta sa dalampasigan para aliwin ang sarili at makipaglaro kay Ana, uuwi na aasahang nasa bahay na si Lucian pero wala. Iintayin siya sa gabi pero makakatulog na lang ako sa sofa at uulitin lang ang ginagawa. Nagsimula na naman akong malungkot. 




Pang apat na araw na wala pa rin si Lucian. Pumunta na lang ako sa bayan para bumili ng mga kakailanganin ko. Bumili rin ako ng panibagong  polo niya at tie para kay Lucian. Nabalewala kasi iyong nabili ko noon kasi nawala. Nang makauwi sa bahay ay nagpractice ako kung paano mamalantsa ng polo. Tumingin ako sa google kung paano. Sinunod ko lang iyon. Nahirapan ako at natagalan. Hindi ko alam na ganito pala kahirap iyon.



Carrying The Billionaire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon