Chapter Thirty Nine (Part One)

28.2K 550 20
                                    

Chapter Thirty Nine

Bye









[A/N: Waaahhh! Ang dami ko pa lang i-e-edit about sa story. Salamat doon sa pumansin sa apelyido ni Amanda haha. Lozano nga pala siya di Tuazon haha. Tapos ang edad ni Lucian ay 25 ba? Hahaha lol. Nalilito rin ako sa edad nila rito haha. Saka na ko mag-e-edit kapag may oras na ko huhu. Ilang taon na ba si Phoenix? Haha. Shete! Hindi talaga ako owtor nito eh hahaha. Ang dami kong kailangan baguhin at buburahing authors note huhu. Bahala na. Kung may mapupuna kayo please let me know para mabago ko. Salamat :) Enjoy :) ]






***



Nakaupo ako ngayon sa sofa sa harap ni Lucian. Ito na ang araw na pag-uusapan na namin ang tungkol sa mangyayari.




"I told my parents that I am going to study and work on my own sa isang probinsya. My Dad and Mom doesn't know that I will be staying in Camiguin especially kasama ang isang tao," sabi ko sa kanya. Tinignan niya ko.



"Next week sa airport kita susunduin pagkalapag ng eroplanong sasakyan mo sa Camiguin. Hindi tayo pwedeng makita na magkasama sa airport kaya aabangan na lang kita roon."



Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Ayaw kong tignan ang mga blanko niyang mga mata. Bumalik na ulit siya sa dati... 



Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin agad ako. Halos manlumo ako ng mga sandaling iyon realizing that I am really going to move out in his house in Camiguin.



Ginugol ko ang ilang araw na mayroon ako kasama ang pamilya ko. At tuwing gabi kapag naiisip ko na aalis na ko ay parang ayaw ko na lang magising kinaumagahan.



Sunday morning nagsimba kaming pamilya. Nagpasalamat kami sa Diyos sa lahat ng biyaya niya. This day is one of the most memorable for me. Tuwing Sunday ay hindi nakakalimutan ng pamilya ang sumamba.



After the mass we dine in a chinese restaurant. Puno lang ng tawanan at kwentuhan ang ginawa namin. Nagshopping din kami. Halos bilhin lahat ni Mama ang mga gamit doon para sakin. Naluluha ako habang nakikita siyang masaya. Naiiyak ako sa tuwing nahihimigan ang kalungkutan sa kanya kapag may mga bilin siyang sinasabi sakin.



Hapon na nang makauwi kami. Si Mommy ang nagluto ng hapunan kaya tinulungan ko siya.



"Anak lagi kang kakain ah?" bilin ni Mommy habang hinahalo ang niluluto niya. Napatango ako. Ramdam ko na pinipilit lang niyang huwag umiyak kaya di nakatakas ang lungkot sa kanya. "Huwag kang magpapalipas ng gutom. Wag kang magpapakapagod ng husto roon. Alagaan mo ng mabuti ang sarili mo," nabasag na ang boses ni Mommy sa dulo nang sabihin iyon.



Nangilid ang luha ko at niyakap siya sa tagiliran niya. "Ma... Alagaan niyo rin po ni Papa ang sarili niyo. Huwag po kayong magpakapagod ng husto sa trabaho." naiiyak na sabi ko. Hinarap ako ni Mama at pinunasan niya ang luha ko.



"Anak... Wag ka na lang umalis." If I only have a choice mom... I won't go.


Natawa ako ng bahagya para itago ang sakit na nararamdaman pero alam kong hindi ako nagtagumpay. "Ma naman eh. Nahihirapan na naman ako niyan,"



"Anak... Di ko kaya. Ayaw kong umalis ka." hindi ko rin po kayo gustong iwan.


"Ma, hindi ko po gustong umalis pero kailangan po. Ma,  promise po. Tatawag ako palagi," I assured mom. Iyon lang ang kaya kong sabihin. Niyakap ko si Mama ng mahigpit.



Carrying The Billionaire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon