Special Chapter

63.4K 844 27
                                    

Special Chapter














Nandidito ako ngayon sa bahay nina Amanda. Pinapunta niya ko rito dahil may gusto raw siyang sabihin sakin.




Akala ko naman kung anong importanteng sasabihin niya iyon pala... Iyong nakilala niya kahapon!



Tawa ako ng tawa nang marinig ang kwento niya tungkol doon sa lalaking nakita niya sa may parking lot ng school kagabi. He saw that man making out "daw" with someone. Iyong reaksyon niya talaga ang nagdala sa pagkukwento niya hahaha.



Amanda usually not affected sa mga lalaking nakikilala niya. But this guy was really different huh?



"Pero gwapo ba naman?" pang-iintriga ko. Malay niyo ka-forever na pala ito ng best freind ko hahaha. She rolled her eyes. "Sobrang panget!" sabi niya. Tumawa ako. Pikon talaga siya sa taong iyon hahaha. At alam ko... Hindi panget ang taong iyon. Ganyan ang sinasabi niya kapag kinaiinisan niya ang isang gwapong mayabang. Ganyan kasi ang kwento ni Joshua sakin noon nang una silang magkakilala ni Amanda. "Oh my gosh! Ibig sabihin gwapo? Sana ako na lang nakakita---"



"At? What will you do when you meet him?" sabat ng isang lalaki. Napatingin kami kay Joshua na papalapit samin. Siya lang pala. Ngumuso ako at umirap kay Joshua.



Naiinis kasi ako sa kanya. Talaga palang tinotoo niyang pupunta rito ah? Lumapit si Joshua kay Amanda at hinalikan ito sa uluhan. May kung anong pumilipit sa tiyan ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pait nang makita iyon.



Joshua is a sweet and nice guy. Saka madalas naman talaga niyang gawin iyon samin ni Amanda dahil mga best friend niya kami.



Tumingin siya sakin. Kumalabog agad ang puso ko dahil sa pagsusuplado niya. Kung galit siya... Galit din ako. Bahala siya! Bakit ba kasi nandidito pa siya?



Lumapit siya sakin at hinalikan ito sa uluhan. Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Bakit ganoon? Halik lang niya... Feeling ko okay na kami. Sumimangot ako para pigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko.



"Anong pinag-uusapan niyo?" pagtatanong ni Joshua at umupo sa tabi ni Amanda. Halata pa rin sa kanya ang pagsusuplado niya. Kahit ganoon... Napakagwapo pa rin niya.



"Nag-away kayo?" tanong ni Amanda. Alam na alam talaga niya kung nag-aaway kami o nagkakatampuhan.



"Anong oras ka nakauwi?" tanong ni Joshua hindi pinansin ang tanong ni Amanda. Well, A. Nag-away nga kami. Gustuhin ko man... Hindi na ko sumagot.



"Six," sagot ni Amanda. "Why didn't you contact me?" tanong naman ni Joshua. Umirap siya sa kanya. "Because you and Lana are busy?" patawang sagot ni A. Kinurot ni Joshua ang ilong ni A at ngumisi. Nag-iwas ako ng tingin sa dalawa. Kapag magkasama sila... Di ko maiwasang makaramdam ng kung ano sa puso ko. Ewan. Pero may kirot akong nararamdaman kapag nakikita ko silang sweet.




"So... Sinong pinag-uusapan niyo?" tanong ulit niya.



"Ay, ayaw i-let go ang tanong na iyon? Gusto talaga malaman?" panunukso ni Amanda. Sumimangot si Joshua at kinurot na naman ang ilong niya. Naiinis na hinampas nito ang kamay niya.



"Ano ba!" sabi niya rito. Here we go again with their world na parang sila lang dalawa kapag magkasama. At ako... Wala na.



Feeling ko minsan... Third party ako sa kanilang dalawa. "I'm asking babe..." simangot nito.



"Wala..." sagot kong di na napigilang sumabat. Nakakalimutan na ata nilang nandidito pa ko. Tinignan ako ni Joshua gamit ang malalamig na titig. Ano? Tss. "Really huh?" sarkastikong tanong niya. Ganyan siya kapag may hindi nagugustuhan. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumingin kay Amanda. Ramdam ko pa rin ang titig ni Joshua sakin. Ano ba... Lana! Chill! Bakit ba ko kinakabahan kapag tinitignan niya ko ng seryoso?



Carrying The Billionaire's BabyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora