Chapter Nineteen

33K 593 83
                                    

Chapter Nineteen

Sana Nakinig








Thank you for the comments and votes sa last chapter ❤❤❤ I really do appreciate it :) Nakakatuwa at nakakamotivate :) Thank you so much <3

P.S. Sa past pa rin po ito. I hope you understand. Kailangan sa past po muna tayo para malaman natin iyong mga nangyari noon bago tayo magfocus sa present. Iyon lang. Thank you so much :) Enjoy reading





***



Nang makapasok sa loob ng bahay ay wala pa sina Mama at Papa. Nagpapasalamat ako dahil doon. At least... Di nila mapapansin ang pamumugto ng mga mata ko sa pag-iyak. Sinalubong ako ni Manang pero nagpaalam din agad ako na sa kwarto lang ako.





"Hindi ka ba muna kakain, Hija?" tanong ni Manang nang nasa hagdan na ko. Tumigil ako at tinignan si Manang. Umiling ako. "Hindi na po. Ayos lang ako Manang. Busog pa po ako." sagot ko. Hindi ako nagugutom. Napagod ako sa lahat ng nangyari ngayong araw. Pero nagpapasalamat ako kay Phoenix kasi pinasaya niyo ko.





"Ganoon ba, Hija. Tawagin mo lang ako kung gusto mong kumain at kung may kailangan ka." sabi ni Manang. Tumango ako. "Opo, Manang. Salamat." sagot ko.





Umakyat na ko nang tuluyan. Pagkarating sa kwarto ay tinungo ko agad ang banyo. Niligo ko ang sakit na nararamdaman. Siniguro kong matatanggal ang bahid ni Lucian sakin kahit alam kong di nun maaalis ang katotohanan that he harassed me! Hindi na iyon matatanggal sa isip ko. Maligo man ako at maalis ang amoy niya na dumikit sakin hindi nun maaalis sa isipan ko kung paano niya ko halikan. Kung paanong galit na galit siya. At kung paano niya tinapakan ang pagkatao ko by offering me to be his baby maker.




Ganoon ba ang halaga ng isang babae? Ang kapal ng mukha niya para alukin ako nun! Hindi ako hibang para tanggapin ang offer niya. Hindi dahil naghihirap kami ay tatanggapin ko na ang alok niya at ibebenta ang sarili. Hindi ko kailanman ibebenta ang dignidad ko at kung sakali... Ang magiging anak ko.




Hindi ko pa naiisip ang magkaanak. Marami pa akong pangarap. Gusto ko magtayo ng sarili kong business. Gusto ko kapag tapos ko ng pag-aaral ay magtatayo ako ng sarili kong resort. I also want to become an architect pero mas gusto nina Papa na magbusiness management ako kaya iyon ang p-in-urseu ko at hindi ang gusto ko talaga. I want to build my own resort at least magagamit ko ang kagustuhan kong maging arkitekto roon.



Hindi ko pa kailanman naisip na magkaanak hanggat di ko pa natutupad ang pangarap ko na magtayo ng sariling resort at pamahalaan iyon. I know... Kuya Knight is bond to take charge for our business dahil siya ang lalaki samin. My father will give me a share pero tatanggihan ko iyon dahil may sarili akong pangarap. I want to start my own. Start from a scratch and be on top like what I wanted to be. To have my own name.



Pero paano ko magagawa iyon ngayon kung nalulubog kami sa hirap? Hindi ko pwedeng balewalain ang problema ng pamilya. Hindi ko pwedeng hayaan na lang ang pamilya ko at walang gawing hakbang para matulungan sila.


Napabuntong-hininga ako. Ipinikit ko na lang ang mga mata at hinayaang pakalmahin ng tubig.








Nang hapong iyon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa sekretarya ng isa sa mga inalok ko ng proposal. Sobrang saya ko nun. Isinantabi ko lahat ng masamang nangyari sa pagkikita namin ni Lucian. Baka maging maganda ang kahahantungan nito.



Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now