Chapter Fifty Five

25.5K 544 72
                                    

This is just a super short update from the past. I'm really sorry huhu.




Chapter Fifty Five

Good Night, Baby






[A/N: Waaahhhh! I'm really sorry guyseu huhu. Patawarin niyo si Owtor kung ilang araw siyang walang update. Naging busy ako nitong mga nakaraang araw huhu. As in hindi na ko nakapagwattpad nitong mga nakaraang araw huhu. Namiss ko si Wattpad at Kayo mga BB. Hayaan niyo next week mabilisang update na dahil maluwag na schedule ni Owtor nun (yes artistahin lang hahaha) Charot. Babawi ako sainyo. Patawad talaga huhu. Sana magustuhan niyo :) Enjoy reading :) Salamat :)]




***


Hindi ako umalis sa tabi ni Lucian para mabantayan siya ng maayos. Ayoko na iwan siya na hindi pa rin siya magaling. Buong magdamag ko siyang inalagaan at hindi iniwan. At iniisip ko rin iyong Lucila na sinasabi ni Lucian. I wonder who is she. Ibig bang sabihin ay kakilala ni Lucian iyong babaeng may gawa nung nasa painting. Kaanu-ano kaya niya iyon?




Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kababantay kay Lucian. Nagising na lang ako na nakahiga na ko sa kama. Sa kama? Napabalikwas agad ako ng bangon nang maalala si Lucian. Nasan si Lucian at bakit ako na ang nakahiga?



Bumaba ako agad para hanapin siya. Nasan na kaya siya? Hinanap ko siya sa may sala pero wala akong nadatnan na Lucian. Tinignan ko rin siya sa may kusina pero wala rin siya roon. Wala siya? Asan si Lucian? Ayos na ba siya? Bakit bigla na lang siyang umalis?




I texted him kung ayos na ba siya at tinanong ko siya kung bakit pumasok na agad siya. As usual ay wala akong natanggap na reply mula sa kanya. Dapat hindi muna siya pumasok dahil baka mabinat siya. Grabe naman pagkaworkaholic niya na pinilit pa niyang pumasok kahit hindi pa siya okay. Napatingin ako sa may mesa at napansin ko ang isang baso ng gatas. Nilapitan ko iyon at napansin ko rin ang maliit na note na nakalagay sa ilalaim nun.




Agad ko iyong kinuha at tinignan kung ano iyong nakasulat.



Thank you for last night.

-L





Hindi ko napigilan ang mapangiti. Kay Lucian ba talaga galing ito? Kumalabog ang puso ko sa saya at nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan  bigla silang mabuhay. Did he really made this kind of effort para lang magpasalamat? At talaga bang nagpasalamat siya? Hindi ko talaga mapigilan ang ngiti ko. It touches my heart. Hindi ko inakala na gagawin niya ito. Ni sa hinagap ay di ko man lang naisip na gagawin niya ito.
 




Kinuha ko iyong gatas. Hindi na siya mainit dahil paniguradong kanina pa siya umalis. Napangiti ako at hinayaan ang puso ko na tumibok sa saya dahil sa ginawang ito ni Lucian. Lahat ng effort ko kagabi ay naging worth it dahil alam kong na-appreciate niya iyon. 




Inabala kong muli ang aking sarili sa paglilinis ng bahay. Nang matapos ay naligo na ulit ako bago ako nagluto ng tanghalian ko saka na ko kumain mag-isa. Pagkatapos kong kumain ay inabala ko na lang ang sarili na magbasa.




Wala pang ilang minuto ay biglang dumating si Lucian. Mukhang maaga siya ngayon ah? Nilapag ko ang binabasang libro sa may table saka ako tumayo para salubungin siya. Nakita ko ang paghilot niya kanyang sentido. Nangunot ang noo ko. Halatang masama pa rin ang pakiramdam niya. Sinasabi ko na nga ba eh! Dapat di muna siya pumasok! Alam kong pinilit lang niyang pumasok kahit masama pa rin ang pakiramdam niya.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now