Chapter Three

85.8K 1.4K 25
                                    

Chapter Three

Kiss









[A/N: Waaahhh! Ayan hello :) Pasensya na ngayon lang nakapag update. Salamat sa lahat ng nagbasa nung nakaraan update ko kahit bitin hehehe. Salamat sa mga votes at comments :) Salamat sa paghihintay ng updates. Anyways, kapag naka italic po ibig sabihin nasa past nangyari :) So, ayun. Sana magustuhan niyo :) Enjoy reading :)]









***




Naalimpungatan ako dahil sa paggalaw ni Lucian sa tabi ko. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang nakatunghay niyang mga mata sakin.




"I'm sorry. Did I wake you up?" tanong niya sa marahan na boses at hinaplos ang buhok ko. Umiling ako kahit ang totoo ay medyo dahil naramdaman ko ang pagbangon niya. Tinignan ko ang alarm clock sa side table. It says 6:30 a.m na. Napatingin ako sa kanya nang umupo siya sa gilid ng kama sa tabi ko.




"Bakit ang aga mo ngayon?" tanong ko. Ang sabi kasi niya wala siyang pasok sa office ngayon.




Ngumisi siya at hinalikan ako saglit sa labi. "Good morning." bati niya. Ngumiti ako at umiling dahil sa ginawa niya. "Good morning," bati ko pabalik.



"May biglaan akong meeting kaya kailangan kong pumunta sa office ngayon." sabi niya. Napatango ako. Naiintindihan ko naman iyon. Busy siyang tao at hindi talaga maiiwasan ang mga biglaang meeting at gawain sa kumpanya nila.




"Okay. Ipagluluto kita. Maligo ka na lang muna," sabi ko sa kanya. Tumango siya at hinalikan niya ko sa noo saka tinungo ang bathroom.



Napabuga ako ng hangin. Inaantok pa ko dahil anong oras na kami nakatulog ni Lucian kagabi at napagod ako. Namula ang pisngi ko ng maalala ang nangyari. Muli akong pumikit dahil hinihila pa rin ako ng antok drifting me to my past...




Nang makapasok ako sa room ay sinalubong agad ako ni Joshua.




Hinalikan ako sa noo ni Joshua at niyakap saglit. "Hi, A! Good morning!" bati niya at ngumisi sakin revealing his perfect set of white teeth. At siyempre nagpapalabas ng kagwapuhan niya.




Joshua Lim is my best friend. Since senior high ay magkakilala na kami at magkasama. Habulin ng chicks ang mokong dahil varsity player at the usual "gwapong chinito". Pure chinese kaya hindi ganoon kaayos ang pagtatagalog niya kahit ilang taon na sa Pilipinas. Speaking in English ang mokong at minsan nag-uusap kami sa chinese dahil parehas kaming may dugong chinese.




"Good morning!" bati ko pabalik. Naupo ako sa usal seat ko sa tabi niya. Nasa gitna kaming parte ng upuan. Gitnang row. Napansin ko na agad ang mga tingin samin ng mga kaklase kong mga babae.




Karamihan sa mga kaklase ko mayayaman kaya ang aarte. Sa school na ito... Mahina ka at kawawa ka kapag napapabilang ka sa low class. Iyong mga scholar ng school o iyong mga hindi ganoon kayaman dahil ibu-bully ka lang.



"Pinagtitinginan ka na naman ng mga babae mo," sabi ko sa kanya dahil ayan na naman ang mga tingin nila kay Joshua. Sa school isa siya sa mga pinapangarap ng mga babae. Who wouldn't? Gwapo, mayaman, friendly, talented at mabait. Wala ka ng hahanapin pa sa kanya.



But I am not into those girls dreaming for him. Magkaibigan lang kami at magkapatid na ang turingan. Kahit matagal na kaming magkakilala hindi kami kailanman nahulog sa isat'isa.  Napailing siya at inilapit ang mukha sakin.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now