Chapter Thirty Eight

28.2K 512 30
                                    

Chapter Thirty Eight

Away








[A/N: Babala maikli lang ito kaya sorry na agad. Enjoy reading. Gomawo :)]


***


Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Lucian. Ano bang pinagsasabi niya? Naguguluhan ako sa kanya!


"Are you telling me to back out?" sinalubong ko ang tingin niya kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa lapit niya. Damn it! Naghuhumerentado na naman ang puso ko.


"I am telling you to save yourself..."


Tumawa ako ng pagak at umiling sa kanya bago ko siya muling tinitigan."Save myself from who? Saiyo? Kaya ko ang sarili ko. I am a Lozano, Lucian. I am not backing out. Marunong akong tumupad sa usapan. Kung sana hindi ka nag-invest nagawa ko pang balewalain lahat ng ito!" mariing sabi ko.


Ano bang gusto niyang patunayan? Gusto niya bang makita kung marunong akong tumupad sa usapan? Pwes, oo! Kaya kong panindigan ang sinabi ko.


Hindi siya nagsalita kaya naman naglakad ako papasok sa loob ng unit niya. Wala akong pakealam kung anong isipin niya! Alangan namang sa labas kami mag-usap. Paano kapag may nakarinig samin?


"What are you doing?" gulat na tanong ni Lucian at sinara ang pinto saka sumunod sakin. I rolled my eyes kahit di niya kita. "Akala ko ba ayon sa rules chuchu mo bawal ang may makaalam? Tss! Ano diyan tayo sa tapat ng unit mo mag-uusap?"


"I told you to go---"


"Gusto ko lang sana makiusap kung pwede sa isang linggo na lang tayo aalis." putol ko sa sinasabi niya. Nangunot ang noo niya at di makapaniwalang tumingin sakin. "Tatapusin ko lang sana ang Finals namin para matapos ko ang 3rd year ko." dugtong ko.


Napailing siya di makapaniwala sa narinig.


"Pumapayag ka na ba? Saka wag ka mag-alala hindi ko sasabihin kina Papa ang tunay na dahilan ko." sabi ko. Dahil paniguradong magagalit lang sila sakin.



Nagkatinginan kami. "So it's a deal then?" sabi ko dahil ayaw niya kasing magsalita. Anong nangyari kay Lucian bakit bigla siyang tahimik ngayon? Himala at hindi ata siya beast mode ngayon. Tumayo na ko. "Mauna na ko. Wag ka mag-alala... Tutupad ako." dugtong ko. Bahagya akong yumuko para magpasalamat.



"Salamat, Lucian." sabi ko at tumalikod na. Bahala siya kung ayaw niya magsalita.


Naglakad na ko papuntang pinto at tinalikuran na siya. Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay naramdaman ko ang kamay ni Lucian na pumigil sa palapulsuhan ko at iniharap sa kanya. Bahagya niya kong isinandal sa pinto.

Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now