Chapter Forty One

31.9K 572 118
                                    

Chapter Forty One

Pinatayan











[A/N: Waahhhh! Hello :) Fact about the story. Nasabi ko ba guyseu na wala talagang island fortunato sa Camiguin? Haha. Hind ata. Gusto ko lang po linawin na kathang isip lamang ang lugar na ito dahil wala akong alam na magandang place sa napakagandang Camiguin. May nabasa lang kasi akong libro na ang setting ay sa Camiguin so I ended up researching about the place. Nakita ko na maganda sa Camiguin kaya doon na lang din ang setting ko at sana makapunta rin ako roon huhu. I'm from Manila at di pa ko nakakapunta roon. Wala kasi akong alam na place sa Camiguin kaya nag-isip na lang ako ng pangalan ng island na pwedeng maging setting kaya ayun nabuo ang Island Fortunato :) Iyon lang :)

Sana magcomment kayo sa chapter na ito. Please? Gusto ko malaman kung ano nararamdaman niyo sa update. Your comments here are really appreciated :) Salamat <3 Enjoy reading :)]






***


Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako sa labas kung hindi ko lang narinig ang pag-alarm ng aking cellphone. Napabangon ako sa paghiga sa mahabang upuan na nasa labas. Doon na pala ako nakatulog kahihintay kay Lucian. Hindi ko man lang naramdaman ang lamig.




Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri saka ako tumayo. Nasan na kaya si Lucian?



Tinignan ko muna ang cellphone ko. Walang mensahe roon si Lucian. Nagtext ako ng pagbati kina Mama.



Nang matapos ay pumasok ako sa loob. Walang Lucian akong nakita.



As usual. Nanatili na lang ako sa kwarto ko. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Phoenix nang maghapon na. Napangiti ako. At last, may makakausap ako!



"Phoenix..." bati ko.



"Sumama ka kay Lucian? Bakit?" iyon ang bungad niya. Napabutong-hininga ako. Alam na pala niya. Marahil sinabi ni Lucian.



"Nandito na ko ngayon. Kailangan Phoenix. Alam mong may kontrata kami." sabi ko sa kanya. Alam kong rinig ang lungkot at sakit sa boses ko pero wala akong pagsisising nararamdaman. Pumunta ako rito ng buo ang desisyon kaya tanggap ko na kung ano mang kahahantungan.



Mahina siyang nagmura. "Damn it! Hindi ka na dapat pang pumunta sa kanya..." mariing sabi niya. "Damn Lucian! Talagang ipinilit niya?" mahinang sabi niya na parang sarili lang ang kausap. So, hindi pala sinabi ni Lucian sa kanya na sumama ako? Bakit nga naman niya sasabihin? Napabuntong-hininga ako.



"He gave me a chance... But I can't just back out. May utang ako sa kanya at hindi pwedeng balewalain na lang, Phoenix."



Napabuntong-hininga siya. "Are you alright? Kasama mo ba siya ngayon? Is he treating you right?" sunod-sunod na tanong niya. Napangiti ako kahit di niya kita. Damang-dama ko kasi ang pag-aalala niya.



"I am fine, Phoenix. Wala si Lucian. Nasa..." napakagat ako sa labi. Nasan nga ba siya? "Trabaho." dugtong ko. Hindi ko alam kung tama ba ko sa dinugtong ko. Wala naman akong ideya kung nasan talaga siya. Iyon lang ang una kong naisip.



"That asshole! Why did he let you alone?" rinig ko ang pagkairita sa kanya. Napapangiti talaga ako sa mga reaksyon ni Phoenix. Natutuwa kasi ako na may nagpapahalaga saking ibang tao. Na nag-aalala siya kahit di naman talaga niya ko ganoon kakilala.



Carrying The Billionaire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon