Chapter Forty Seven

23.9K 581 49
                                    

Chapter Forty Seven

Hindi Mo Alam











[A/N: Waaahhh! Hello guyseu :) Thank you so much sa mga feed backs niyo na natatanggap ko :") Naiinspired ako lagi mag-update dahil doon :) Alam niyo ba na iyon ang una kong tinitignan kapag nag-open ako dahil sobrang napapasaya ako nun. Nalalaman ko kasi na worth it pag-a-update ko kaya salamat ng marami sa votes and comments niyo :") Thank you so much :")]




***



"Mag-iingat ka, Phoenix." sabi ko kay Phoenix nang nasa tapat na kami ng kotse niya. Niyakap niya ko.




"I'll be back, Amanda. Mag-iingat ka parati. Kapag may kailangan ka... You can always count on me." masuyong sabi niya. Napangiti ako at tumango.



"Thank you," sincere na sabi ko. Kumalas siya sa yakap at nginitian ako. "Bye!"



Nagpaalam na siya at tinahak na ang daan paalis. Napabuntong-hininga ako at nakaramdam ng matinding kalungkutan.



Mag-isa na naman ako. Wala na naman akong kasama. I really felt really sad and lonely.




Pumasok na ko sa loob. Pagkapasok ko ay nakatanggap ako agad ng text galing kay Phoenix.



Phoenix:

      Smile, babe :)




Napangiti talaga ako sa text na iyon at nagtipa ng reply.


Ako:

   I will, thank you, Phoenix :) Take care :)






Nagpasya na lang akong manatili sa loob ng kwarto ko dahil wala naman akong ibang pwedeng gawin at wala naman akong kasama. I stayed here para makapagpahinga pero habang nandoon sa kwarto ay mas lalo lamang akong nalulungkot. Binabalot ng matinding kalungkutan ang buo kong sistema at naiisip ko lang lahat ng nangyari sa buhay ko. Nakakapanghina. Sinisira nito ang lakas na mayroon ako para magpatuloy...




No... I just can't cry always.



Tumayo ako at nagpasya na lang na maglakad-lakad sa dalampasigan para kahit paano ay marelax. Bigla ko tuloy naalala si Phoenix at ang mga effort niya para mapasaya ako. Iyan ang bagay na gusto ko ngayon... Ang kasiyahan. Binabalot na kasi ng matinding lungkot at sakit ang buhay ko.




Habang binabaybay ang dalampasigan ay napapangiti ako sa ganda ng dagat. It was huge and mysterious...



Iyong mga nangyayari sa buhay ko sana... Kayang alunin ng dagat. Sana... Kasing lawak nito ang kakayahan kong tanggapin lahat...



Hindi ko na napigilang mapaiyak. For days I have been crying. What if... Mawala na lang kaya ako? Damn! How could my fate be this hard and cruel? Kapag nawala siguro ako... Matatapos ng lahat ng ito... But thinking about my family... Kailangan maging matatag ako at huwag magpatalo sa kahinaan. I should be always faithful so I could overcome everything...



Hindi ko na namalayan ang oras at magdidilim na nang mapagpasyahan kong umuwi. Masyado akong naaliw sa paglalakad. Tinatangay kasi ng sariwang hangin at ng malawak na dagat ang mga alalahanin ko. 




Nang makarating sa front door ay nagulat ako nang makita si Lucian doon. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita siya... A-anong ginagawa niya rito ng ganitong oras? Damn! Bakit ang aga na naman niyang umuwi?



Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now