Chapter Sixty Four

33.4K 698 75
                                    

HAPPY ONE MILLION READS SATIN MGA BABES OMG <3 TOTOO? HINDI KO AKALAIN NA ONE MILLION READS NA TAYO /legit tears/ THANK YOU LORD! THANK YOU GUYSEU :) THANK YOU SO MUCH FOR READING CTBB MGA BABES <3 Pa-author's note mamaya hahaha. I LOVE YOU SO MUCH GUYS  THANK YOU FOR BEING PART OF IT. THANK YOU FOR BEING ONE OF THE REASONS FOR MY DREAM TO COME TRUE. SALAMAT NG MARAMI <3 NAIIYAK AKO JEEZ HAHA. I LOVE YOU! SOBRANG SAYA KO NA NAHIRAPAN NA KONG I-UPDATE ITO SA TUWA HAHA. MAMAYA NA LANG MAG-A-AUTHORS NOTE PA KO HAHA. SALAMAT ULIT <3 HAPPY ONE MILLION READS. SARANGHAE <3 ENJOY READING :) SALAMAT :)





***



Chapter Sixty Four

Congratulations












***



Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo matapos naming makilala ang pamilya nila Attorney. Nasa sala ako at nagpapalipas ng oras nang may kumatok sa pinto. Agad akong lumapit para makita kung sino.




Nagulat ako nang mapagbuksan ko sina Cassandra at ang dalawang bata. Agad akong natuwa. "Magandang hapon, Amanda!" bati ni Cassandra na nakangiti. Napangiti rin ako. "Magandang hapon din sainyo." ngiti ko.





"Hi, ate pretty!" bati ni Ana na buhat ni Cassandra.




"Hi!" bati ko sa kanila. Inaabot ni Ana ang mga kamay sakin na gusto magpakarga kahit karga siya ng Mama niya. Kinuha ko naman siya. Ngumiti si Cassandra.





"Ate!" hinalikan niya ko sa pisngi kaya napangiti ako. I really love, Ana.



"Pasok kayo. Masaya ko na makita kayo." sabi ko sa kanila.




Nagpasalamat si Cassandra at pumasok ba pagkapasok ni Nathan na tahimik sa tabi ng Mama niya. "Ito kasing si Ana namimiss ka na raw kaya pumunta kami." sabi ni Cassandra. Pinaupo ko sila sa may sofa na ginawa naman nila. Inabot ni Nathan ang hawak na paper bag kay Cassandra.





Ibinaba ko na rin si Ana sa tabi ni Cassandra. "Masaya ko na pumunta kayo. Mag-isa lang ako ngayon dahil wala si Lucian nasa trabaho. Panigurado kung nandito iyon ay matutuwa iyon."



Tumango si Cassandra at bahagyang natawa. "Si Cris din nasa trabaho kaya itong mga bata nabored sa bahay. Gusto ka raw nila bisitahin." sabi ni Cassandra habang hinahaplos ang buhok ni Ana na abala sa panonood samin ng mommy niya. "Ito nga pala. Kami gumawa niyan. Gusto ka raw kasi nilang bigyan." sabi ni Cassandra. Kinuha ko iyong paper bag na inaabot niya.



"Wow! Para sakin ito?" natutuwang kinuha ko iyong binigay nila. May tupperware sa loob. Nakita kong macaroni salad iyon nang tignan ko. Napangiti ako. "Thank you. Paborito ko ito." sabi ko sa kanila. Tumabi ako kay Ana. 




Pumalakpak si Ana. "Me too!" masayang sabi niya. Hinalikan ko siya sa noo. "Thank you." sabi ko. Nginitian ko rin si Nathan at nagpasalamat sa kanya. Nagblushed lang siya at ngumiti. Ang cute niya talaga.




"Sandali lang ah? Kukuha lang ako ng makakain niyo." sabi ko sa kanila at tumayo na. "Nood na lang muna kayo." sabi ko at binuksan ang tv.




"Tulungan na kita." sabi ni Cassandra at tumayo na rin. Ngumiti ako at tumango. "Sige. Para alam ko kung anong gusto ng mga bata." ngiti ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti bago hinarap ang dalawang bata.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now