Chapter Sixty Five

24.5K 595 81
                                    

Chapter Sixty Five

My Baby










[A/N: Hello guyseu :) Thank you ulit ng marami :) Anyways... This is just a short update. Pakiintindi po si Amanda sa chapter na ito :) Mahirap ang pinagdadaanan niya kaya intindihin natin ang pagiging madrama niya haha. Sana magustuhan niyo :) Enjoy reading :)]







***

Tulala ako habang nakatingin sa kawalan. My heart never stop beating so damn fast. Napakabilis na halos hindi ko na mahabol. Totoo ba iyong sinabi ni Cassandra?



Tumulo ang mga luha ko na agad kong pinalis. Calm down, Amanda. It's okay.





Hindi ka pwedeng makita ni Lucian na umiiyak. Magtatanong siya. Mag-aalala lang siya. Pero damn! Hindi ko mapigilan ang luha ko.




Dumating na si Lucian pagkahatid niya sa baba kina Attorney. Mabilis akong nagpunas ng luha. Napatingin ako sa kanya. Kita ko ang pagkunot ng noo niya.





"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya. Umiling ako sa kanya at inayos ang sarili. Why am I always crying. Napakaiyakin ko talaga. Simula lang naman ng dumating ako sa buhay ni Lucian ako naging ganito kaiyakin eh. Hindi naman talaga ako laging umiiyak.






Nilapitan niya ko at pinunasan ang magkabilang pisngi ko. "C'mon baobei... What is it?" masuyong tanong niya.




"I am already missing them..." sabi ko. Totoo iyon. Namiss ko agad ang dalawang bata pero mayroon pang ibang dahilan na ayaw ko munang sabihin sa kanya.





Niyakap niya ko habang hinahaplos ang buhok ko pababa. Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. Kaya pala...





"Shh, baby." masuyong sabi niya at hinahaplos ang buhok ko pababa saking likod. Parang mas lalo lang akong nasasaktan sa pang-aalo niya. "Ang lapit lang nila satin babe. I am also missing them roaming around our house but it's okay. They can always visit us if they want. Or we can visit them instead."




Niyakap ko siya sa baywang niya at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Suminghot ako.  Humigpit yakap ni Lucian sakin. "Tahan na." bulong niya at hinalikan ang sentido ko.




Mas lalo lang akong naiyak dahil doon. Sorry Lucian... Pero hindi muna ngayon.





Napamura siya at humigpit pa ang yakap sakin. "Tahan na babe... Tahan na."




Pinunasan ko ang luha ko at kumalas sa yakap. Sumama bigla ang pakiramdam ko. "I'll rest first. Sumama pakiramdam ko." sabi ko kay Lucian. Hinarap niya ko. Tinignan niya muna ko na tinatantiya ang reaksyon ko. Binigyan ko lang siya ng isang pagod na ngiti. Napabuntong-hininga siya.




"Alright." masuyong sabi niya. "I'll tuck you in bed." dugtong niya. Umiling ako. "I can handle babe." sabi ko sa kanya at ngumiti. Umiling siya. "I insist."




Wala na kong nagawa kung hindi ang sang-ayunan siya. Sabay na kaming umakyat sa taas. Nang makarating sa kwarto ay pinahiga na niya ko sa kama. Inayos ko ang higa. Kinumutan niya ko saka naupo sa gilid ko. "Are you really okay babe?" tanong niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya.




Tumango rin siya. "Alright. You take a rest first," aniya. Hinalikan niya ko sa noo. Hinawakan ko siya sa braso kaya napatingin siya sa kamay kong namamahinga roon saka ako nilingon.



Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now