Chapter Twenty Two

31.9K 559 33
                                    

Chapter Twenty Two

Familiar










[A/N: As I promised :) Here's the update :) Maikli lang ito guys, kaya sorry na po agad kasi bitin. I love you guys hehehe :) Enjoy reading :)]




***




Nagpupumiglas ako habang hawak ng isang lalaki. Patuloy sa pag-iyak. Nagmamakaawa na tigilan na ko.



Huwag! Huwag! Huwag mo ko hawakan! Pakiusap! Pilit akong lumalaban. Kumakawala pero masyado siyang malakas para mapigilan ko. Hindi! Tulong! Naramdaman ko ang pagpilit niyang mahalikan ako. Pakawalan mo ko! Patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko.








"Amanda..."




"Hindi!"



"Fuck! Gising Amanda!" napadilat ako nang maramdaman ang marahang haplos sa pisngi ko. Napatingin ako sa mga mata ni Lucian. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot. "Huwag mo ko hawakan!" natatakot na sabi ko. Nararamdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot.




"Nanaginip ka..." malamig na sabi niya. Napatayo ako mula sa pagkakahiga at tinignan ang paligid. Nasan ako? Napatingin ako sa kanya na malapit na ngayon ang mukha sakin dahil sa biglaan kong pagtayo. "You're safe here. It's just a dream." aniya. Shit! Nanaginip ako?





Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya dahil sa takot na nararamdaman. Pakiramdam ko dahil nandito siya ngayon sa tabi ko ay ligtas ako at siya lang ngayon ang makakapitan ko. Nakapulupot ang mga braso ko sa leeg niya. "Lucian natatakot ako." umiiyak na amin ko. Totoo... Natatakot ako. Baka maulit ulit iyon. Ayoko na!




"It's just a dream..." aniya.



"Sana nga... Panaginip na lang lahat. Sana nga panaginip na lang na muntik na niya kong pagsamantalahan. Sana nga panaginip na lang na muntik mo na rin gawin sakin iyon." sabi ko at kumalas sa yakap. Damn tongue. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na makontrol ang lumalabas sa bibig ko. "I'm sorry." nahihiyang sabi ko at umiwas ng tingin. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot.





Naramdaman ko ang pagdampi niya ng halik saking labi. Nagulat ako sa ginawa niya at napatitig sa kanya. "Hindi kita naiuwi sa inyo dahil hindi ko alam ang bahay mo. Nakatulog ka kasi kanina." walang emosyong sabi niya. Muli niya kong hinalikan. This time mas mababaw at mabagal ang bawat dampi ng halik niya. Hinawakan niya ang batok ko at ang isa ay nasa baywang ko. Idiniin niya ko sa kanya. Sinubukan kong kumawala pero hindi niya ko pinagbigyan. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi alam ang gagawin. Ano bang ginagawa niya? Hinawakan niya ang kamay kong pumipigil sa dibdib niya. Naramdaman ko ang kamay niyang humahawak sa kamay ko sa pisngi ko. Hinahaplos iyon.







Nanghina ang kamay kong pumipigil sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin dahil sa mga halik niya. Naramdaman ko ang paghinto niya. Hinahabol ko ang hininga dahil sa halik niya... Hindi iyon malalim pero sapat na para bumilis ang tibok ng puso ko kaya halos habulin ko ang aking hininga.






Lasing na tinignan ko siya. "We'll talk... I want you to forget that shit." aniya at hinalikan ang pisngi ko. Hindi niya inilayo ang labi roon kaya ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa pisngi ko. "Let's talk about my proposal. I won't do anything on you. I just want you to consider my offer. In case your mind change." mahinang sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Halos hindi ako makahinga ng maayos sa sobrang lapit niya. 






Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now