Chapter Sixty Seven

25.3K 571 76
                                    

Chapter Sixty Seven

Wo Ai Ni, Mahal Kita












[A/N: Waahhh! Hello guyseu :) Sorry for not updating. Lagi na lang ba ko paasa? Huhu. Sorry talaga. Huhu. Hindi na nga ako magsasabi :'( This is just a short update. Wag kayo mag-alala. Ngayong buwan completed na ito :) I think 10 chapters to go before the end huhu. Ang bilis. And please do not expect anything hahaha. Salamat :) Saranghae <3]





***




Hawak ni Lucian ang mga kamay ko habang nagmamaneho siya papuntang airport. Sabay ang flight naming dalawa. Ganoon kadali sa kanyang na-i book ako ng flight pa-Manila. Simula kanina nang makasakay kami ay hindi niya pa binibitawan ang kamay ko. He really wants to make me feel that I shouldn't be worrying too much. Na nandito lang siya sa tabi ko assuring me na handa siyang i-comfort ako.





Kanina nang sabihin niyang pauuwiin niya ko samin ay sobrang saya ko. Pinatunayan lang talaga nun kung gaano ako kaswerte kay Lucian. Na maswerte ako dahil nakilala ko siya at nakasama. Na sa kabila ng mga nangyari samin heto mahal na mahal ko na siya. Alam ko siya ang dahilan kung bakit ako nalayo sa pamilya ko pero hindi ko siya sinisisi. I am the one who made the choice. Ako ang namili ng buhay na tatahakin. Maybe Lucian is the reason but I am the one who made it happen. At wala akong pinagsisisihan doon.  Kasama sa pagtanggap ko ng kontrata ang pagtanggap na iiwan ko ang pamilya ko. Lagi ko na lang iniisip na everything happens for a reason.





Kanina ay siya ang dahilan kung bakit ako kumalma. Siya ang dahilan kung bakit nahinto ako sa pag-iyak. Naging dahilan kung bakit nabawasan ang pag-aalala ko because he assured me that everything will going to be fine.



Nang nasa bahay ay marami siyang ibinilin sakin. Na huwag akong masyadong mag-alala. Na huwag na kong umiyak kasi magiging ayos din ang lahat. Na huwag kong kakalimutan ang kumain. Wag akong papalipas ng gutom at magpahinga. Napangiti naman ako sa ka-sweet-an ng mahal ko. Nagagawa ko pa ring maging masaya kahit sobra akong nag-aalala. 





Nang makarating sa airport ay naghintay pa kami para sa pagtawag ng flight namin. Hinawakan ni Lucian ang kamay ko. "Hey..." malambing na tawag niya sakin.





Tinignan ko si Lucian. Ngumiti siya sakin. "Always check your phone. I'll always ring it." sabi niya. Ngumiti ako at tumango.




"I will be waiting for your call. Kahit anong oras pa basta tawagan mo ko ah? Mag-iingat ka roon, Lucian. I'm sorry. I missed our trip." sabi ko sa kanya. Umiling siya.





"It's okay babe. We still have our next time." he smiled. "And of course I will call you every chance I get." Tumango ako at sinandal ang ulo sa balikat niya.





"Mami-miss kita, Lucian." bulong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko and intertwined it with his. "I'll miss you more, baobei." masuyong sabi niya at hinalikan ang noo ko.






Kabado ako habang nasa loob na taxi na maghahatid sakin papunta sa ospital kung nasan naka-confine si Daddy. Hindi na ko dumiretso sa bahay dahil sa sobrang pag-aalala ko para kay Daddy. Saka maliit lang na bag ang dala ko. May mga damit naman ako sa bahay na magagamit kaya hindi na ko nagdala pa. Ayokong mahirapan kami ni Baby kahit pa sabihin pang nakataxi kami parehas.




Pinaghalong pag-aalala at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang din kasi naisip ang kalagayan ko. What if I throw up? Baka malaman ni Mommy. At kapag nangyari iyon paniguradong malaking problema iyon!




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now