Chapter Twenty Seven

36.4K 717 64
                                    

Chapter Twenty Seven

Lunch










[A/N: Waaaaahhhh! Hello guyseu mga babes :) Thank you sa lahat ng nagbabasa nito :) Votes are highly appreciated :) And comments makes me motivated para mag-update agad :) Gusto ko kasi binabasa mga comments niyo kahit gaano iyan kaikli o kahaba na-a-appreciate ko iyan. Nakakatuwa mabasa mga comments niyo at nakakakakilig :) Mas ginaganahan ako mag-update kasi nakakatuwa na nalalaman ko kung gusto niyo ang story natin :) Thank you :) At dahil may nagrerequest na ng present okay ito na present muna tayo hahahaha salamat :) Enjoy <3]







***


Nasa kusina ako at inaayos na ang pagkain. Nakapagluto na ko para sa kakainin ko. Sinabi na sakin ni Lucian na hindi siya makakauwi for lunch kaya mag-isa ako ngayon kakain. Sanay naman ako na ako lang ang kumakain mag-isa kapag tanghalian. Mga ganoon kasing oras ay nasa opisina na si Lucian. Nag-usap kami kanina nang tumawag siya. Nasa meeting pala siya ng mga sandaling iyon at nagawa niya talagang tawagan ako sa gitna ng meeting niya. Napangiti ako sa kalokohan niya. Mabuti nga at nakumbinsi ko siyang mag-usap na lang kami pagkatapos ng meeting niya.




Naghahanda na ko ng makakain ko nang may kumatok mula sa pinto. Sinilip ko mula sa uwang ng pinto sa kusina kung sino iyon. Nakita ko si Phoenix na nasa pinto dahil nakabukas lang iyon. Wearing his casual attire, he still look so dashing handsome as ever. Bakit napakagwapo nilang magpinsan?




Naglakad ako papunta sa pinto para salubungin siya. Nakangiti siya ng makita ako. I smiled back.




"Hi Phoenix! Long time no see!" bati ko sa kanya. Lumapit siya sakin and kissed me on my forehead pagkatapos akong yakapin. Halos dalawang linggo na rin nang huli ko siyang makita. Napangiti ako. Namiss ko kakulitan niya kapag nandito samin ni Lucian.




Simula ng magkakilala kami ni Phoenix ay naging close na talaga kami lalo na ngayong ayos na kami ni Lucian. Kahit mukha siyang bad boy... He's still so sweet and gentle as he is.




Noon... Siya lang ang naging kakampi ko. Hindi niya ko pinabayaan lalo na ng mga sandaling nahihirapan akong pakisamahan si Lucian. Lucian way back before is a beast. Lagi siyang galit sakin noon kaya kapag nasasaktan na niya ko emotionally nandiyan si Phoenix sa tabi ko para damayan at tulungan ako. And I am really thankful for that. I appreciate him so much. I appreciate all the things he does for me. He's really a great man. Malaki ang naitulong niya sa kung ano mang mayroon kami ni Lucian ngayon.




"Hey, Baby Baobei." he greeted me with a smile. Nakasanayan na niya kong tawaging Baby Boabei simula nang malaman niyang Babe iyon sa chinese at gusto niya laging iniinis si Lucian. Kapag kasi naririnig ni Lucian ang tawag ni Phoenix sakin ay naiirita ito. Mas maarte pa sakin haha. Pero ako nasanay na sa kanya.




"Halika pasok ka." anyaya ko sa kanya. Nagpasalamat siya at naglakad na kami papunta sa sofa para makaupo.




"Lalo kang gumaganda ah?" nakangiting sabi niya. Namula ang pisngi ko sa pambobola niya. Natawa ako at umiling sa sinabi niya. Naupo kami, magkaharapan.





"Puri ba iyan o pang-aasar?" sagot ko naman sa kanya. Natawa siya. "Uy! Puri iyon ah! Ang ganda mo kaya! I wonder Lucian can't get enough of you," tawa niya. Namula ng husto ang pisngi ko. Kailan ba ko masasanay sa mga pambobola ni Phoenix?




"Ewan ko saiyo, Phoenix." iling ko sa kanya. Tumawa siya. Kung anu-anong sinasabi niya. Nakakahiya!




"I am not joking, Amanda." seryosong sabi niya. Kumalabog ang puso ko. Teka bakit bigla ang seryoso niya? Hindi tuloy ako sanay. Palabiro kasi siya.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now