Special Chapter (Phoenix's POV)

23.8K 640 161
                                    

This is just a short update. An special POV for my beloved Phoenix Mekhi Griffin <3 Ito ang una at huling POV niya hahaha :) Nalaman niyo na na may pinagdadaanan din si Phoenix babe. Hindi ko ito sinulat for advertisement ng kwento niya. Parte kasi ito ng story at kailangan. Mambubuko si Phoenix babe ng ilang sekreto ni bb Lucian :) Ano kayang sekreto iyon? Anyways... Enjoy Phoenix's POV :) Saranghaeyo <3











***



I know after reading this you'll hate Lucian TT_TT. Nasasaktan ako sa naging resulta ng POV na ito. Ang sakit </3 Ako na hihingi ng tawad sa parte ni Lucian huhuhu :'(

(kapag naka-italic nasa past)










***




Phoenix's POV









Nakahiga kami ni Amanda ngayon. Kumuha pa siya ng tubig at pinainom ako. Pinahiga niya ko at kakantahan daw para makatulog dahil mukha na raw akong panda. I really appreciate her efforts. Siya pa talaga ang pumunta rito para lang madamayan ako dahil nag-aalala siya sakin. I really do appreciated her efforts for me. Nakakatuwa lang. Sana ganito rin siya sakin. Napailing ako nang maalala na naman ang babaeng una kong minahal. Love sucks.






Ito ang unang pagkakataong dinamayan ako ng isang babae. First time kong umiyak sa isang babae. Sabihin ang mga problema ko. Nakakataba ng puso na nandito si Amanda para damayan ako. Umiyak lang ako sa kanya at hinayaan niya lang akong maglabas ng sama ng loob. Nakakahiya man sa kanya pero nagpapasalamat ako na nandito siya sa tabi ko. Kailangan na kailangan ko talaga ang presensya niya. Akala ko maglalasing na naman ako ngayong gabi buti na lang nakausap ko si Amanda. Binigyan din niya ko ng mga payo na tagus-tagusan talaga. Napakaswerte ko na may isang Amanda sa buhay ko. Nagpapasalamat ako ng malaki dahil doon. Hindi niya ko iniwan. Pinagaan pa niya ang loob ko. Ang swerte ko talaga sa kanya.






Hindi ko na napigilan ang matawa nung kinantahan niya ko ng twinkle twinkle. Langya! Iyong tono pa niya pang baby kaya natawa na lang din ako.





She's humming me a lullaby. Kesa ako ang inantok siya ang nakatulog dahil sa paghaplos ko sa buhok niya. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha.






Napakaswerte talaga ni Lucian. That bastard! Napakaswerte niya para magkaroon ng kagaya ni Amanda. She looks like an angel. A real angel. In or out. Napakabait niya. She can do everything just for her love ones even it means hurting her. She can sacrifice everything she have just for them. Bagay ang miracle sa pangalan niya.






Napapikit ako. Naalala ko iyong unang beses na magkita kami.






The moment I saw that girl... Gusto ko na siyang ilayo agad kay Lucian!






Tang ina! Wag mong sabihing tototohanin nga ni Lucian ang binabalak niya? Shit! Hindi ako papayag! Kawawa naman iyong babae kapag nagkataon!






Pumunta ako sa unit ni Lucian nang araw na iyon. Sakto paalis na siya nun.







"Tinanghali ka ata?" bungad ko sa kanya. Hindi kasi siya iyong tipo ng taong tinatanghali sa pagpasok sa trabaho. Sa lahat kaming magpipinsan kaming dalawa ang pinakaclose. Tipong alam na namin ang lahat sa isat'isa. Halos magkasing edad lang din kasi kami at parehas nasa business. Parehas din kami ng personalities kaya kami ang pinakaclose.





Carrying The Billionaire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon