Chapter Fifty One

27.4K 577 32
                                    

Chapter Fifty One

Nilalagnat ka ba?










[A/N: Waaahhh! Hello guyseu. Sorry talaga kung di ako nakakapag-update agad huhu. Pasensya na talaga. Wala pa rin akong cellphone nakakaiyak. Mahal na mahal ko iyon eh haha. Ipinagluluksa ko pa rin siya huhu. At waaahh! Broken hearted na naman si Owtor ngayon dahil concert ng BTS pero team bahay pa rin ako huhu. Sa mga kpop fan you know my feels huhu. Nakakaiyak. Nakakadurog ng puso huhu. I kennot. Kaya please kayo na lang umintindi sa update ko kasi doble ang pagiging broken hearted ko ngayon huhu :'( Enjoy reading :)]



***

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Lucian dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko nga alam kung paano magre-react nung umalis siya sa kwarto ko eh. Darn!


Tinext ko rin agad kagabi si Phoenix dahil sa ginawa niya. I want to know bakit niya iyon ginawa. I know he has his reasons. I want to understand it para hindi ako makaramdam ng sama ng loob sa kanya. Naalala ko na naman conversation namin.



Ako:

  Phoenix! Anong ibig sabihin nung ticket? Bakit mo sinabi iyon kay Lucian?



Hindi ako mapakali habang hinihintay ang reply niya. Ang tagal naman niya magreply! Gosh! Busy kaya siya sa trabaho o nagpapahinga na?



After some minutes nakatanggap ako ng reply niya. Finally! Agad kong binuksan ang text niya nang magreply siya.


Phoenix:

   Oh? Anong sabi niya? Okay na ba kayo?



Nangunot ang noo ko. Anong okay na ba kami? Dahil kaya doon ay nagalit na naman siya... But to think about it... Naging maganda naman ang kinalabasan eh. I mean... Hay! Ewan!


Ako:

  Alam mo ba na nagalit siya sakin dahil doon? Bakit mo naman kasi sinabi iyon? Alam mo naman na ayaw kong nagagalit siya.


Kaya hindi ko maintindihan bakit ginawa ni Phoenix iyon. Nagreply agad siya.


Phoenix:
 
   I'm sorry. Hindi iyon ang gusto kong mangyari.


Napabuntong-hininga ako. Nagtipa agad ako ng reply para sa kanya. Hindi ko naman kayang magalit sa kanya.


Ako:

   Ayos lang. Please... Wag mo na ulit uulitin iyon ah? Bakit mo naman kasi ginawa iyon?



Pagkasend ko nun ay tumawag siya ilang saglit. Nagpakawala ulit ako ng buntong-hininga bago iyon sinagot.


"Galit ka ba? Sorry na." malambing na bungad niya. Hindi ko na napigilang bumuntong-hininga na na naman.


"Hindi ko naman kayang magalit saiyo eh. But please... Wag mo na uulitin." sabi ko.


"Nah. Sorry talaga. Hindi ko gustong magkagalit kayo. Di ko ginustong magalit siya saiyo." sabi niya. Bumuntong-hininga siya. "Sorry talaga." masuyong sabi niya.


"Wala na sakin iyon, Phoenix. Hindi naman siya gaanong nagalit. Wag na sana magalit si Lucian." sabi ko. Ayokong nagagalit iyon kasi baka kung ano na namang gawin niya. Hindi ko kasi gusto kapag hinaharap ang mga galit niya nasasaktan lang ang puso ko at ang buo kong pagkatao kapag ganoon siya. "Hindi na iyan." parang sigurdong-sigurado siya sa sinasabi. "Sana nga Phoenix." malungkot na sabi ko. Iyon ang huling bagay na gusto ko sa mga sandaling ito.



Carrying The Billionaire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon