Chapter Thirty Seven

28.6K 541 26
                                    

Chapter Thirty Seven

Run











[A/N: Sorry guyseu kung hindi ako nakapag-update huhu. Tatlong update na utang ko huhu. Babayaran ko iyon pangako haha :) This is from the past :)




***

"Dad...Mom," iyon ang unang bati ni Kuya kay Daddy at Mommy nang salubungin namin sila pagkauwi nila sa bahay. Nanlaki ang mga mata ni Mommy sa gulat nang makita si Kuya. Hindi makapaniwalang nasa harap niya ngayon si Kuya.



"Anak!" mommy run towards Kuya and hugged him tightly. Tears rolled down her beautiful eyes. Umiiyak na naman si Mama but this time because of longings and happiness to see kuya again. Kuya hugged her too.



Nangilid din ang luha ko. This is the scene I longed for. I want my family to be whole again feeling our love to each other.



Napatingin ako kay Daddy. He was shocked too. He cannot believe seeing Kuya here with us.



"Anak! Thanks God! Kamusta ka na? Nakakakain ka ba ng tama? Ng maayos? Nakakatulog ka ba? Saan ka tumutuloy? Miss na miss na kita, anak." sunod-sunod na tanong ni Mommy habang umiiyak. Ramdam na ramdam ang pangungulila at kasiyahan sa boses niya. Napangiti ako.



"Ma... I am fine. Patawarin niyo po ako kung ngayon lang ako dumating. Sorry mom. Sorry." puno ng pagsisising sabi ni Kuya. His tears fall. Hindi talaga ako sanay na nakikitang umiiyak si Kuya. He is a tough man. Hindi siya nagpapakita ng kahinaan kaya ang makita siyang umiiyak ay nakakapanghina at nadudurog ang puso ko. Mang-mana siya kay Papa. Pinunasan ni Mama ang luha ni Kuya sa pisngi.



"Don't say sorry, anak. Hindi mo alam anak kung gaano ko pinagdasal ang araw na ito. Na sana bumalik ka na. Napakasaya ko anak dahil narito ka. Narito ka na! I missed you so much. Walang araw anak na hindi kita inalala at walang araw na hindi ako nag-alala kung ayos ka lang ba. Kung nasan ka na. Kung saan ka tumutuloy. At kung kailan ka babalik samin." iyak ni Mommy. Ayaw tumigil ng luha niya kahit nakangiti siya. Napayuko si Kuya at niyakap ng buong higpit si Mommy.




"Ang sama ko pong anak sainyo Ma. Inisip ko lang ang sarili ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko man lang kayo inalala. Patawad po. Wala man lang akong nagawa para sainyo. Wala man lang ako sa tabi niyo ng mga sandaling kailangan niyo ko. Patawarin niyo po ako. Patawad Ma." patuloy pa rin sa paghingi ng kapatawaran si Kuya. "Hindi na lang po sana ako umalis. Sana nalaman ko agad. I am so sorry, Ma. For everything."




Hinagod ni Mama ang likod ni Kuya at pinapatahan ito."Tama na anak. Ayos na. Ayos na. Ang mahalaga narito ka."




"Habang buhay ko pong pagsisisihan iyon," puno ng pagsisising sabi ni Kuya. Umiling si Mama. "Wag mong sabihin iyan, anak. Kahit kailan di ka namin sinisisi. May kasalanan din kami ng Papa mo kaya mo nagawang umalis sa poder namin kaya huwag mo ng sisisihin ang sarili mo," masuyong sabi ni Mama at hinaplos ang pisngi ni Kuya. Pumikit si Kuya at dinama ang haplos ni Mama. Hinawakan niya ang kamay ni Mama na nasa pisngi niya.



"Mahal na mahal ko po kayo, Ma." buong pusong sabi ni Kuya at tinignan si Mama. Ngumiti si Mama at nakangiting tumango. "Mahal na mahal ka rin namin, Anak."




"Kamusta po kayo nila Papa, Ma?" nag-aalalang tanong ni Kuya. Tumingin siya kay Daddy. Lumayo si Mommy para bigyan ng daan si Kuya at makalapit kay Daddy.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now