Chapter Sixty Six

25.7K 614 63
                                    

Chapter Sixty Six

You'll Come Back









[A/N: Hello guyseu :) This is just a short update. Sorry. Babawi na lang ako sa Monday. No update for tomorrow dahil Sunday. So anyways, sana magustuhan niyo :) Maraming salamat :)]








***



Kumain ako ng kumain. Kailangan maging healthy kami parehas ni baby. Kailangan alagaan ko ang sarili ko para sa baby namin ni Lucian. Ayokong malagay siya sa alanganin habang nasa sinapupunan ko siya. Napagpasyahan ko rin na hindi muna sabihin kay Lucian ang kondisyon ko. I need time so I could tell him. Hindi muna ngayon. Maghahanap ako ng tamang oras para roon.




Saka ayokong bumalik kami sa dati kapag nalaman niyang may baby na kami. Ayokong mamagitan ang walang katapusang kontrata saming dalawa. At higit sa lahat gusto ko muna masolo si baby. Kami lang muna. Maaalagaan ko naman siya eh. Sisiguraduhin ko iyon.




Nang matapos akong kumain ay dumating sina Ana samin. Sobrang saya kong makita sila. Dahil sa dalawang batang ito ay nangarap akong maging isang mabuting ina. Na mabuo kami ni Lucian at ng magiging anak ko bilang pamilya. Dahil sa kanila nagkaroon ako ng pagkakataong maranasang maging isang ina at maalagaan sila.





Nagkwento sina Ana sakin sa mga ginawa nila. Mga pasalubong ng Daddy at Tita Cassandra nila sa kanila pagkauwi ng mga ito.




Makalipas ang ilang oras nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Cassandra tungkol sa kalagayan ko. Naglalaro na kasi sina Ana at Nathan. Nakakatuwa silang pagmasdan na masayang naglalaro sa tablet na dala nila. Nakaupo kami sa may sofa.





"Nasabi mo na ba kay Lucian Amanda ang kalagayan mo?" nag-aalalang tanong niya. Umiling ako sa kanya. "Bakit?"





"Naghahanap lang ako ng tamang panahon para roon." sabi ko sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin akong muli sa kanya.






"Amanda... Kailangan mong mag-ingat. I have a friend na OB. Gusto mo i-refer kita sa kanya?"




Ngumiti ako. Ramdam ko ang pagmamalasakit niya sakin. "Thank you, Cass." sabi ko sa kanya.





Nagtanong lang ako ng mga pwede kong gawin. She gave me instructions. Nasabi niya sakin ang mga mararanasan ko. Thankful nga ako na hindi na ko nagduwal kaninang umaga. Sinabi niya rin sakin ang mga dapat kong iwasan. Sobrang pasasalamat ko talaga na naging magkaibigan kaming dalawa.



"Bye tita Amanda!" paalam ni Ana at hinalikan ako sa pisngi. Niyakap ko rin siya pabalik. "Bye!" ngiti ko. Humiwalay na siya sa yakap at binuhat na siya ni Cassandra.





Hinarap ako ni Nathan at nagpaalam na rin. Masuyong hinaplos ko ang buhok niya.





"Salamat ulit, Cassandra." ngiti ko sa kanya. Ngumiti rin siya at niyakap ako kahit buhat pa si Ana.





"You can always count on me. Mag-iingat ka palagi." sabi niya. Tumango ako.




Nagpasalamat lang akong muli saka na sila nagpaalam sakin. Pagkaalis nila Cassandra ay dinalaw ako bigla ng antok. Kaya pala lately antukin ako.




Pumasok muna ko sa kwarto para makatulog na sana nang makatanggap ako ng tawag mula kay Lucian. Humikab ako. Seriously? Hapon pa lang ay inaantok na naman ako.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now