Chapter Twelve

42.8K 628 51
                                    

Chapter Twelve

Bar








[A/N: Waaahhhh! Pasensya na ngayon lang nakapag-update. Pasensya na kung natagalan. Alam niyo namang busy si Owtor saka mahirap kapag phone lang gamit sa pag-a-update. Anyways... Sana magustuhan niyo. Punong-puno ito ng kalungkutang update na may twist sa dulo hahaha. Sana magcomment kayo to at least for me to know kung anong iniisip o nararamdaman niyo sa update na ito :) Sana magustuhan niyo :) Enjoy reading :)

Naka italic means nasa past :) salamat :)]






***

I am about to dial my best friend's number to at least share my problems with her dahil iyon lagi ang gawain namin. Kapag may problema kami takbuhan na namin ang isat'isa pero mukhang hindi ko na iyon magagawa.

Dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya. She was crying telling me about her problem.



"Amanda..." tawag niya sa pangalan ko. Her voice broken tulad ng puso ko para sa kanya. Hindi ako sanay na umiiyak siya.


"Lana... Bakit? Bakit ka umiiyak?" tanong ko.


Humikbi siya. "Si Joshua. Nawawala si Joshua." umiiyak na sabi niya.


"Nawawala si Joshua? Anong... Paanong nawawala siya?" gulat na tanong ko. Hindi ko maintindihan. Paanong nawawala si Joshua? Hindi ba nasa China siya?


"Umalis siya. Hindi ko alam kung nasaan siya. Nagkaroon daw sila ng sagutan ng kanyang ama." pagkukwento niya.


"What? Paano? Ibig bang sabihin ay nasa Pilipinas na siya?" tanong ko.


Lalong umiyak si Lana. "Isang linggo na simula nang makauwi si Joshua, Amanda." amin nito. Nagulat ulit ako. Isang linggo na? Bakit hindi ko alam?

"Hindi niya sinabi satin. Kahapon ko lang nalaman dahil pinuntahan ako ng Mama ni Joshua. Hindi ko alam pero nagalit siya. Amanda... Si Joshua." umiiyak na sabi niya. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kaibigan ko. Lalo lang sumasakit ang puso ko. Nag-aalala ako para sa kanilang dalawa.

Pinuntahan ko si Lana kahit na masama ang pakiramdam ko dahil sa nangyayari sa pamilya ko. Ayokong sabihin sa kanya dahil ayaw kong mag-alala pa siya at madamay sa problema ko. Marami rin siyang iniisip.


Nang puntahan ko siya sa apartment na tinutuluyan niya ay nakita ko siyang umiiyak. Wala na siyang kasama sa buhay. Kaya kailangan ko siyang damayan. Sinabi niya sakin lahat ng sinabi at ginawa ng Mama ni Joshua. Masyado itong strict. Na ang gusto nito ay iba ang makatuluyan ni Joshua. Pareho kaming nagtataka kung paano nakilala ng Mama ni Joshua si Lana ni hindi nga namin kilala ang Mama ni Joshua eh dahil sa ibang bansa ito nakatira.


"Hindi pa naman kami magpapakasal ah? Ni hindi nga kami ni Joshua bakit kung hadlangan na agad parang doon na ang punta ng relasyon namin?" umiiyak na sabi niya. Nalulungkot ako para sa kaibigan ko. Naaawa ako sa kanya.


Hindi ko alam kung paano ko aaluhin ang kaibigan ko. Iyak lang siya ng iyak. Nag-aalala para kay Joshua.


I love them both. Kasama ako sa pag-usbong damdamin nila para sa isa't isa kaya alam ko kung gaano ito kahirap para sa kanila ngayon.


Sinubukan namin kontakin si Joshua na dalawa pero wala. Hindi siya ma-contact. Marahil ay nakapatay ang cellphone o ano. Hindi kami sanay na di makontak si Joshua. Ano bang nangyayari doon?


Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now